Sino dito may OA na byenan? Kanina kase sobrang likot ni baby sa tummy ko at sakit din ng sipa niya. Sinabe ko lang sa byenan ko yun ng nakangiti at maayos. Pero yung reaction niya at sinabe niya di ko nagustuhan. Sabe niya "naiipit kase yan ine, kaya sumisipa ng ganyan. Wag kang upo ng upo."
Ako naman tumayo naman ako agad baka nga naiipit si baby kaya ganun. Nakakainis lang kase parang bawal ako umupo, bawal din ako mahiga para magpahinga. Kaylangan ata lage ako nakatayo kahit nangangalay ako at bigat na bigat ako sa tiyan ko. Madalas naman ginagawa ko, uupo mamaya tatayu maglalakad, tas uupo ulet. Tatayu nanaman maglalakad maghahanap ng gagawin. Pagtapos makakita ng gagawin at magawa yung gagawin, uupo maya maya hihiga. Kase pag matgal nakaupo masakit sa puson e. Tas maya maya tatayu ulet maglalakad maghahanap ulet ng gagawin. Uupo, tatayu, hihiga. Minsan pa nga nakatayu pa ako habang nag ccp. Dhil wala naman akong ibang gagawin sa bahay maghapon e kundi ganyan lang e. May hika pa ako at madali ako mahapo. Limitado lang ng galaw ko sa bahay na to. Lalo na pag nakita nila ako nakahiga e, di na maganda sa kanila. Sabagay, 3months pa nga lang tiyan ko nun e. (5months na ngayon.) gusto na ako matagtag agad ng byenan ko e. Gusto ata na mapaanak ng maaga e. Kaya di ko rin sinunod na gumising ng madaling araw mga 5:30 tas maglalakad sa labas. Ewan ko ba ano na lang gusto mangyare saken ng byenan ko. Unang apo nila dala ko, ganyan na sila ka-OA. Di na excitement yung ginagawa nila e, OA na. Nakakatakot na din e. Hays. Anyways, sorry long post. Sama kase para saken yung ginagawa nilang ka-OA-yan e. 😔
Momma F.