Si Hubby Naglihi?
Sino dito nakakarelate na parang si hubby ang naglilihi nung buntis kayo 🤣 Pwede ba yon? Asawa ko kasi parang hinigop lahat ng pregnancy hormones ko eh. #firstbaby #pregnancy

Hahaha naalala ko partner ko mommy, ganyan na ganyan. As early as 7pm bedtime na namin kasi matindi ang antok niya 'nung first trimester ko 😅 Tumakaw rin sa pagkain, at medyo tinamad na maggym (nagkakilala kami sa gym at masipag siya maggym dati 🙄😅). Ang dami niya ring cravings! There was a time rin na nagsuka siya ng nagsuka nang walang magandang dahilan. Nag-gain weight rin siya nitong pregnancy ko kasabay ko 😁 Nakakatawa siya! Thankful ako sa kanya dahil super involved at supportive siya sa buong pregnancy ko. Mas excited pa siya kay baby eh 😊 God bless these good men in our lives.
Magbasa pa


