Sino dito mga inaswang nung buntis sila? 26 weeks and 1 day akong buntis sobrang nakakatakot yung akin kase nasa dibdib ko mismo sya, ganito kase yan natutulog ako ng nakaramdam ako na nahihirapan ako makahinga kase may mabigat sa dibdib ko wala kasing ilaw kwarto namin tapos nung gigising na sana ako at haharap sa kapatid ko nakaramdam ako na may nadagan sa dibdib ko paghawak ko mabalahibo edi binuksan ko mga mata ko nashock talaga ako pusa pagmulat ng pagmulat ng mata ko sabay sabe nya meow sobrang gulat ko napatalon ako at nagsisigaw nung inilawan namin bigla nawala nakakapagtaka pa kung san yun galing eh nakasara mga bintana at pinto di tuloy ako nakatuloy hanggang 6 am? alas tres sya nangyare kagabe lang hinanap ng tatay ko sa likod wala naman sana wag na maulit salamat talaga sa Panginoon at di nya pinabayaan anak ko makain nung aswang na yun?