22 Replies
ang susuwerte naman ninyo na hindi ganon ka bigat ang pregnancy symptoms ninyo. ako 9w1d na simula non antindi ng morning sickness ko. ultimo tubig nasusuka ako andami kong food aversions hindi ako nag crave. palaging nauseated maski ginagawa ko na un ibang technique like may straw. halos gawin ko tubig ang hydrite. palagi kong sinisikmura at hirap makatulog. May history ako ng HG hyperemesis gravidarum pero nilalaban ko now kasi ayokong ma confine kaya small frequent feedings ng mga Bland foods lang tinatanggap ng tyan ko. Hay hirap sana matapos na un 1st trimester ko. Ingat palagi mga momshies.
Hi mga momies.. please pray the baby dahil mamaya po may check up kami para madetect na heartbeat niya. medyo kabado dahil 6weeks6days na siya ngayon so please pray us na maging okay na po ang lahat. Medyo ilang days narin akong hindi makatulog gawa nga ng nag iisip hindi rin kasi maiwasan na mag alala. Pero na pray ko na din to sa church namin at sa elders nawa ngayon araw ipagkaloob ng Panginoon ang heartbeat ng baby and I pray na sa lahat ng babies dito. Claim it. In the of Jesus.
base in my ob po lalaki lang po Ang tiyan ng buntis pag mga 4 to 5 months po. 10 weeks preggy din po Ako. na papaisip Ako kung kamusta si baby ko. kaya Ang ginagawa ko na lang para maramdaman ko siya sa bandang puson may pumipintik doon na mabilis doon ko po siya na raramdaman na okay at safe siya sa tummy ko.
ako po 12weeks, pero pakiramdam ko bilbil parin 😅 ..kabado din kung may laman lalo na wala po ako nararamdaman na senyales ng buntis. like Hilo, suka, o matinding antok o naghahanap ng kung ano 😅 pero kanina lang balik namin thank God normal naman po heartbeat niya.
ganyan ako pagpasok ko pa lang ng 7w nawala lahat ng symptoms hilo suka as in parang normal na. nagpacheck ako agad safe naman si baby kahit ganun. ngayon 9w na sobrang gutomin ko naman every 2hrs gutom na kala mo hindi kumain maghapon
ako din po 10wks+ nah,minsan po nakakapraning lagi ko tinitignan belly ko kung lumalaki ba si baby,dahil siguro chubby ako di masyado halata,at sa mga anak ko maliit lang talaga din tyan ko kht nung medyo slim lang ako
kaka pa check ko lang kahapon sa center namin kasi sched ko kahapon.. ok naman daw ang baby ko. pero ito nag aalala parin hanggat dipa maririnig sa dopler heartbeat ng baby ko hindi ako magiging kampante.
Same momsh. 10weeks and 2 days here pero para ako praning kinakabahan ako hindi na ako nagsusuka at medyo nawala yung breast tenderness. Di nako maka antay sa next check up. Pray lang tayo momsh. 😅
Same mommy. 9 weeks na and nakakapraning talaga. Nalessen din kasi symptoms ko pero lagi padin masakit ang ulo. Gusto ko na din matapos ang 1st trim. Praying na ok mga babies natin. 🥰
same here mommy :)
same here 13w3 days pero parang bilbil lang kasi dati na malaki tiyan ko after my 1st pregnancy... nakakapraning pa rin pala kahit hindi first time hehe...🙏pray lang tayo mga momsh.
okey na ako ngayon sis kasi kaka ultrasound ko lang kahapon at sabi ng ob ko healthy ang baby ko nakita ko na din siyang sumisipa sipa sa tummy ko 🥰🥰🥰
Ann Agbayani