Sleep Paralysis

Since high school ay nakakakita at nakakaexperience na ako ng unusual sa paligid. Nagboboarding house ako during my college years. One night I went to sleep peacefully pero bandang ALAS TRES ng madaling araw, nagising ako pero hindi ako makagalaw. 😲😱 Maya-maya, may isang babaeng nakaputi na hinawakan ang mga paa ko sabay na hinihila ako sa higaan ko. 😫 Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong sa mga ka-room mate ko, pero walang lumalabas sa boses ko. 😭😭 Gusto kong magpumiglas, pero HINDI AKO MAKAGALAW! 😭😭 Wala akong magawa.. Sa isip ko, tinatawag ko si God sabay dasal ng Apostle's Creed. Sinimulan ko magdasal.. "I believe in God, the Father Almighty...", pero hindi ko matuloy-tuloy. Alam ko yong dasal pero parang may komokontra sa isip ko. Inuulit ko mula simula pero wala parin. Then, I started to calm myself. Nagfocus ako. This time, binigay ko ang buong lakas ko (as in parang nag exert talaga ako ng effort). Then I started my prayer again. "I believe in God..." Hanggang sa malapit ko nang matapos ang prayer, unti-unti ko nang nararamdaman yong paggaan ng pakiramdam ko at gumaan na din yong atmosphere ng kwarto at nakagalaw na din ako sa wakas. Pero pagkatapos nun, parang hinang-hina ako. Nagpasalamat nalang din ako kay God at nalampasan ko yong experience ko na yun. Hanggang ngayon, klarong-klaro parin sa isip ko yong nangyari. #MagandangGabi

Sleep Paralysis
4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommyyy yan ang worst sa lahat tlga yung sleep paralysis :( pero saken sobrang dalas nyang nangyayare although wala naman akong nararamdmaang presence or anything huhuhu buti okay kaaaa

VIP Member

Grabeee scary, Mommy. NakaExperience na rin ako ng ganyan but I was not home. Sa office siya nung natulog ako during lunch break. Sobrang nakakatakot

😱😱😬

Super Mum

😱😱😱