Sinaktan ng classmate
Sinaktan si LO ko ng classmate nyang may ASD. Mixed sa class, baby ko ang 2nd youngest, 3 years old. Private school, hinaluan sila ng 4 kids na may special needs na much older na kids namin. Very wrong yung ginawa ng school pero tinanggap ko na lang. Yung isang ausome kid, may tendency talagang nananakit, manghagis ng gamit. One time, saktong pagsilip ko, sinusuntok yung LO ko dahil inaagaw yung toys na hawak nya, di pa natatapos dahil pinagsusuntok na kung saan saang part ng katawan. Nakita ko naman si assistant teacher na pinagalitan yung ausome kid pero nagsisink in pa din sa akin na maling mali yung ganung bagay. Yung parent ni ausome kid nakakarecieved na ng ganung sumbong pero wala kang matatanggap na feedback or pagiging apologetic sa part nya. #AskingAsAMom #toddler #respectpost