Curious lang...

Sinabi ng OB ko na magpa Congenital Anatomy Scan daw ako. Im currently now 24weeks pregnant, first pregnancy ko po. Na cucurious lang po ako dahil wala naman syang ibang sinabi kung bakit kelangan ko mag pa CAS, ang sabi nya is malabo na daw kasi ang ultrasound sa clinic nya. Nanuod ako ng mga videos sa youtube, dun pala malalaman kung may problema si baby or wala. Pati internal organs ni baby makikita at kung kumpleto ang body parts nya. Nag ask din ako sa ibang mga kaibigan ko na mommy na at sa ate ko pero sila hindi nag daan sa ganon na process habang nagbubuntis. Dapat ba kong mabahala ngayon sa possible na maging result ng test na nirecommend sakin ng OB ko? Palagi ako nagpepray na sana healthy ang aking baby.??? This coming june dapat magpascan na ako before ang schedule ko sa OB. Salamat po sa mga sasagot...

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy first baby ko din po dndala ko ngaun and I asked my ob bat hnd ako pinag CAS nacurious lang dn ako kasi kng ako lang dn I want to try din also para hnd ako medyo paranoid.pero as per my Ob. Kaya daw nla pnpa CAS ang isang patient is because my nktang problem dun sa result ng ogtt. Pwedeng mtaas ung sugar ni mommy kaya pinapa CAS nila yan Ay halmbawa lamang. Pero ung iba na wla at normal nman at gsto Mag pa CAS Pwede ka dn nila gawan ng request to do it..

Magbasa pa
5y ago

Ano daw po konek ng ogtt result sa baby??

Nung nag CAS ang baby ko, we saw lahat ng body parts niya.Head pati face saka yung kanyang labi tinignan din kung may cleft (Thank God, normal facial feautures naman), hands, both feet ganyan. Heart pati bladder tapos nakita na din namin ang gendr ni baby at 5 months. Honestly, nakakakalma kapag na CAS ang baby natin. Kasi if in case na may mga dapat i address na health concern at least maagang makikita specially kung high risk ang pregnancy.

Magbasa pa
5y ago

Ty mommy.

mas maganda po magpa'cas momshie! ako dun ko po nakita ng buo si baby pati ung spinal cord nya kitang kita ko dn mga finger nails lahat po ok.. maiiyak nlng kau sa tuwa pag nakita nyo po baby nyo na maayos at healthy sya sa loob ng tiyan nyo.. Dun po malalaman kung sakaling may deperensya ba c baby or may problema na pwede pa maagapan kaya po nirerequired ng mga ob un lalo na sa mga private hospitals..

Magbasa pa

Ako need ko rin magpa CAS kaso, wala available dito samin na dr. Puro, sarado clinic nila yung iba mas priority luma patients. Lalo na ngayong need ko magpa CAS kasi sabi ni ob ko marami daw po ako amniotic fluid na tinatawag nila polyhydramnios. Kaya pinagpapasa Diyos ko nalang po na sana maging okay na kami ni baby ko. 😞

Magbasa pa
5y ago

Hi mamsh ako po good news kasi nakapag pa CAS na po ako at wala po pala ako Polyhydramnios. Kundi kambal po pala anak ko kaya malaki tyan ko. Napaka buti po talaga ng Panginoon at normal pa sila pareho.

If you want to know momsh yung condition ni baby better go the process of CAS worth it naman siya momsh though medyo pricey. Ako non halos lahat sabihin ng OB ko ginagawa ko talaga kase 1st time mom ako and at the same time worried din ako kay baby kaya sumusunod talaga ako sa mga advices ni OB.

VIP Member

Hindi k nmn dpt mbhala. Ttgnnlng ng ob mo kng my bingot b si baby count ng ugat s ulo. Etc para hbng nsa loob plng magamot n nila. Yan kc rrquest skn pero laht ng osptal hnd n gumgawa nian excpt nlng kng emergncy dw d ko alam kung bakt kaya ung ordinry ultrsound nlng pingawa skn...

Hindi naman po dahil sa nirecommend ng OB nyo yun ay may problem na kay baby nyo. Siguro bagong technology lang sya na hindi inabutan ng mga pinagtanungan nyo.. pero these days po, part na sya ng prenatal care na magpa-CAS. 😊

Mas maganda magpa-CAS sis. I regret not doing that to be honest, naabutan kasi ako ng lockdown hehehe. Pero if you can do it, push mo na. It's worth your money naman and dun mo makikita lahat in case may problem man si baby

Ako nga Pelvic Ultrasound imaging lang request sakin pero gusto ko CAS tinanong ko OB ko kung pwede CAS nalang kase mas gusto ko mas malinaw namin makikita si baby.

halos lahat na ata ngaun ng OB ni rerecoment na magpa CAS pra ky baby . nag pa CAS din po aq momshi. pray lang po. mainam po mag pa CAS🙂😇