Mareng Tess: Sismars, ready ka na for tonight's chika?
Sinabi mo ba agad sa asawa/family mo na buntis ka o tinago mo muna? I-chika mo naman 'yan! 💅🏻
Hinintay namin ng 1 year yung baby ko ngayon. Si mama nabigla kasi gusto jya kasal muna pero di ko tinago kay mama parehas ko inannounce sa hubby ko at sa mama ko yung resulta ng first checkup ko pero ngayon. Okay na si mama haha. Excited din si mama magkaapo although may na syang dalawa kaso nasa SoKor naman. 😅
Magbasa pa7weeks today. di ko pa pinapaalam sa fam ko hehe pero alam na ng fam ng bf ko at ibang friends ko. sa work nman, isang friend ko pa lang may alam. di ko pa sinabi sa HR namen eh hehe siguro after ko nlng ma confirm yung heartbeat naka sched din nman ksi ako ng transV nxtweek eh. hehehe
Sinabi kona agad. Kasi after 5yrs namin nagsasama ni Mister nabiyayaan kami ng baby ❤️. Hindi ko alam na buntis ako nun, parang trip ko lang mag pt nun pero almost 2months nako delay, hindi ko pinapansin kasi PCOS ako. Kaya nung nag PT ako grabe yung iyak ko kasi Positive ❤️
Sa in-laws ko. That time crucial ung pagbubuntis and I can't tell them until na established na ok na c baby. since then supportive at maalaga sila. ngaun nga nakakatuwa, nauna na sila magbili Ng gifts for our little girl and they always prepare foods that's good for us. 🙂
Nung nalaman ko pong buntis na ako last january8 never po ako nag dalawang isip na sabihin sa parents ko kasi hindi ko naman din pinagsisihan ang lahat tsaka blessing naman din to, whether magalit sila o ano alam kong matatanggap at matatanggap nila yun❤
Yes! Sinabi agad kay partner, tapos after ilang weeks sinabi sa magulang at kapatid at sa ibang malapit na kaibigan lang. Huwag na sa mga Marites na inggitera kasi for sure hihiling sila ng di maganda sa pagbubuntis mo lalo na't di sila capable magbuntis!
at first, yes. hindi ko rin alam but na-se-sense ko na. nag-iingat din ako sa kilos ko non. then after 5 months, napapansin ko lumalaki na talaga tiyan ko. nag-decide na akong mag-pt. and totoo nga. kaya nagpacheck up na ako. and nalaman na ng lahat.
Nope. Hinintay muna namin magkaultrasound. Kaso nadelay ng nadelay dahil kasagsagan ng covid 19. Kaya after 3months na namin nasabi 😂 sakto naman na nalaman kong may pamahiin pala na ganun, you have to wait hanggang mag 3months.. 😅
3 months ko n nlaman n preggy ako don s una ko in denial p sabi ko delayed lang kahit reg mens ko and ndi p kmi kasal ng hubby ko after 3 months tsaka plang ako nag pt sinabi nmin sparents nia then s parents ko..
First try ko mag PT after malaman ko positive sinabi ko agad sa family ko pero sa side ng partner ko hindi pa pero after namin mag pa ultrasound sinabi na din namin hirap din itago ang pag lilihi mom's 😂
Got new best friend ❤️