Late milestones 7 months

Simula nung nagdelay milestones ng baby ko, napapraning ako sa gagawin :( up until now, di pa nya kaya umupo. Kaya di kami maka start ng solids sa takot na baka mabulunan si baby. Di pa sya nagbaba bye din. Alam kong may pagkukulang ako kaya ganun pero sobrang nakakalungkot :( #FTM #Needadvice #firsttimemom

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

turning 10 months na baby ko pero di pa rin siya marunong magbye, nung mga early 7 months nagwwave siya at sinasanay ko sa Hi pero kalaunan nakakalimutan niya rin kasi di ko araw² naituturo. siguro mi try mo sanay sanayin, araw² para matandaan niya. sa pag upo naman ay ganon din. nung 6 months siya medyo tumabahin pa rin pag inuupo siya pero pinagstart ko na magsolid, pinapaupo ko siya sa inflatable chair kasi wala pa kaminh high chair that time. bago siya mag 7 months nakaya niya na rin naman umupo nang walang assistance. iba² naman po ang baby natin mi, possible na hindi niya ma hit yung milestone for that age pero sa mga susunod na buwan mi kaya niya na yan.

Magbasa pa