Advice Please
Simula nung mabuntis po ako lagi na po ako nagkakasakit.Nagwowork po ako ngayon sa company.Lagi na lang ako on leave sa work ko dahil advice ni doc need mag bed rest.Last week lang natapos ko na ulit yung 10 days na bed rest,pumasok na ako nun,wala pa 1 week nagkasakit na naman ulit ako (ubo,sipon)lagi din masakit bandang likod ko,check up na naman ulit and another 5 days na naman bed rest.Dahil dun nagdesisyon na asawa ko na pauwiin muna ako sa province namin sa Negros para makapagpahinga ako talaga dun and maiiwan sya dito sa Maynila para pa din magtrabaho.Naguguluhan na ako kung papayag ba ako sa gusto nya kahit masakit sa loob ko iwan sya dito.8weeks pregnant po ako ngayon.