Morning sickness

Any similar experience mommies? Ang lala ng morning sickness ko lalo na nung ika 5 to 7 weeks ko as in whole day and walang gana kumain. Pinipilit lang para sa vitamins. Now on my 8th week, nabawasan lang siya parang mga 10% pero kapag gabi, nagsusuka parin ako. From 58kg to 55kg nalang now. Sa last utz ko naman on time ang development ni baby. 🥴 May similar experience po ba dito na nag alleviate ang morning sickness as early as 8th week? #pleasehelp

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

dati nung hindi ako naglilihi sobrang lakas ko kumain. as in. ngayon naman na 8 weeks 5 days akong preggy grabe paglilihi ko . napaka selan ko sa pagkain . halos wala akong gustong kainin . lahat ng amoy ng masasarap na pagkain na gustong gusto ko nuon ,ngayon ayaw ko sa na sa amoy. sana malampasan ko na paglilihi para di na mahirapan .

Magbasa pa

same po. start ng 6th weeks hanghang ngayong 10th weeks di ako makakain ng maayos. laging masama din pakiramdam ko. ayoko kumain kasi susuka na naman ako. ayaw ko ng kanin pero no choice, lalo akong nahihilo kapag wala akong ini-intake na pagkain.

TapFluencer

Same sis. 8 weeks to 13 weeks morning sickness ko. Lahat ng kinakain ko sinusuka ko. Pro no choice kain pa din pra Kay baby. 5kls na na bawas sakin.. Then 14 weeks up bumalik na energy at umokay nko.. Now I'm 25 weeks na 😊 Kaya mo Yan sis 😊

Same here sis. On my 7th week naman. Apples and oranges lang ang kasundo ng Tyan ko. Usually, yung iba morning sickness lang. Ako walang pinipili oras, mapa-umaga, tanghali o Gabi pa Yan, isusuka ko. Mas nawawalan tuloy ako gana.

Same. Wala akong gana kumain. I’m on my 6th week. Yung hilig ko sa kanin nawala! Kahit anong ulam d masarap pra sakin. Tpos nasusuka ako to the point na naiihi nko sa shorts kakasuka. Sana matpos na ang morning sickness natin. 😩

TapFluencer

Same here. though hindi ko pa alam na buntis ako but every time na kumakain ako isinusuka ko. but then nung nalamn ko binigyan ako ng OB ko ng vitamins but hindi pa rin sya effective.pinalitan nya ng iba vitamins..okay naman na..

nawala lang yung morning sickness ko noong pagtapak ng 6 months. try nyo to sis, baka mabawasan https://jirapi.blogspot.com/2021/03/mga-pwedeng-gawin-para-mabawasan-ang-pagsusuka-habang-buntis.html?m=1

same sis ,ganyan din ako wala gana kumain pag pinipilit ko nasusuka ako, mas okay unti unti pero maya maya yung kain mo para atleat may laman parin tyan mo . may makakain parin c baby kahit konti .

Same here, wala talaga ako gana kumain. Kung kumain man ako mga ilang subo palang ayaw ko na. Milk at crakers lang ako hindi nag susuka. On my 11th week now pero wala pa din ako gana kumain.

Same po. Dati ang lakas ko po kumain, ngayon preggy na wala ng gana as in. Ayaw ko ng rice😔