Palaging nabubulunan si Baby

Si Baby po parang laging nabubulunan kahit tulog bigla pong mabubulunan na parang masusuka. Naglalaway din po sya minsan yung bubbles na laway sa ibabaw ng lips nya. Normal lang po ba yun?

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hala same po tayo lalo na yung parang nag lalandi sya ng laway na nagbububbles na. baka normal lang yon mi kahit ako napapaisip eh pwro kasi sabi di pa daw kasi fully developed yung esophagus nila kaya ganon na parang nasasamid ganon ewan ko lang don sa laway

VIP Member

Pag tulog si baby usually at night normal na nangyayari po yun, kasi nag aadjust ang digestive system niya para ma absorb ang milk sa loob ng tiyan.

napapansin ko rin po yan kay baby, tapos after a while maglulungad siya. pa burp po muna si baby or burping position minimum 10mins bago ihiga si baby.

2y ago

yes po sakripisyo lang po talaga sa pagpapa burp kasi delikado po baka mag lungad sila tapos hindi agad natin makita.

mi kumusta na baby mo? ganyan din si baby ko ngayon parang laging mabubulunan.

2y ago

okay na sya Mi, normal naman daw po yung minsan may bubbles. Ipa burp lang lagi para hindi parang nalulunod at nabubulunan.

Related Articles