Sharing some of my learnings from last Famhealthy Session about Meningitis.
Alam niyo ba na umabot sa 130 ang nagkasakit at 68 ang namatay dahil sa meningococcal disease sa bansa taong 2019. (Data Source: https://doh.gov.ph/sites/default/files/statistics/2019%20Meningococcal%20Disease%20Monthly%20Surveillance%20Report%20No.%206.pdf )
Maaari itong makuha sa pamamagitan ng direct contact or close or prolonged contact.
Maraming sintomas ang sakit na ito (swipe to check photo) ngunit hindi ito madaling madiagnose. Maaari din daw ikamatay sa loob ng 48hours kapag hindi naagapan.
Buti na lang meron ng bakuna laban sa pangkaraniwang meningitis. Icheck lamang sa inyong pedia or local barangay health center para mapabakunahan ang inyong anak.