Marriage

Share lang po i'm feeling down lately, gusto ko lang share ung nararamdaman ko hindi ko kasi siya mashare sa mga kaibigan ko kasi hindi nila ako maiintindihan kasi wala pa silang anak and most of them kamag anak ng asawa ko.... Parang na dedepress ako ngayon currently 22 weeks preggy ako then mejo nakipagtalo ako sa asawa ko... Ung asawa ko nagtatrabaho sa government ever since nagtrabaho siya kahit sa mga past jobs niya di ko ugali na kuhain atm or pin ng atm or kahit alamin kung magkano monthly na sahod niya, ang akin is basta makapag provide siya ok na kaso lately parang may urge na kailngan ko na mangealam financially kasi madadagdagan na kami and need din namin mag budget, ung asawa ko kasi hindi siya magaling 0ag dating sa pagbubudget basta nakahawak siya ng pera mauubos un agad... Mabait at matyga naman asawa ko wala ako masabi dun un nga lang financially dun kami nagkakaproblema.... Unang una sa work niya pinasok lang siya ng parents niya dun.. Then neto ko lang nalamn kung magkano sinasahod niya monthly kasi pinilit ko siya na bigay sakin ung payslip nagulat lang din ako na nakapag loan pala siya di ko alam sabi niya pinang gastos na dW namin so ang laki ng mga kaltas niya ngayon 6k a month nalang sinasahod niya.. Nag compute ako ng tuition ng anak namin baon service sa isang bwan aabot ng 5k ano pang natira para sakanya wala na.... Pinipilit ko siya maghanap ng ibang work pero patay malisya lang siya parang hindi niya kaya kasi sanay siya na nilalakad lang siya ng parents niya.... Grab driver na siya dati kaso mejo baguhan pa siya nun kaya mali mali pa diskarte kaya napilitan kami maghanap ng ibang driver ngayon pinipilit ko siya na siya nalang mag drive ng sasakyan para at least nasa alaga namin ung sasakyan namin kaso ayaw naman niya ang pinag lalaban niya maganda daw benefits ng government.... Ang akin lang oo maganda benefits pero pano pag di sapat ung kinikita mo? May business naman ako kaso lang mejo hirap tlga ako ngayon mostly ng kinikita ko napupunta lang sa expenses ng business ko gusto ko na magtrabaho ulit kaso buntis nman ako... Lagi ako ang sumasalo sa mga bayarin na dapat hati kami..... Matagal ko nang issue to sa asawa ko nahihirapan na din ako gusto ko pang ishare para kahit papano mejo gumaan pakiramdam ko feeling ko kasi ako lang nag dadala lahat everytime na kakausapin ko siya hindi siya umiimik parang kausap ko lang sarili ko..... Minsan naiisip ko nalang na lumayo magisa para matahimik ako...

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap talaga yan mamsh pag ayaw nya kumawala sa comfort zone nya at yan ang pinakaayaw ko ung nag aaway kami sa pera sa aming mag asawa. True.maganda ang benefits nga sa government pero maliit lang ang sahod. Pero pang forever naman yan. Baka un din ang iniisip nya. Communication lang tlga ang mkakasolve sa problem mo na yan mamsh.

Magbasa pa
5y ago

Un na nga po sinasabi niya pang matagalan kaso syempre pag lumalaki ang pamilya lumalaki din ang needs at gastos gustong gusto ko magusap kami pero everytime na makikipagusap ako ayaw niya umimik di ko na alam gagawin ko parang sarili ko lang kausap ko 😭ayaw ko naman tlga pag awayan ang pera kaso pag dumadating sa point na nasisimot ka na parang no choice ka na