Standard brand for baby stuff

Share lang po. A bit long post. As a mom kagaya ng iba gusto ko din mga high quality yung ginagamit ko para sa anak ko. Simula clothing, bed sets, shampoo, sabon sa katawan, powder, (no lotion, d ako gumagamit ng lotion sa mga anak ko), sabon sa bote, feeding bottle, milk, and others. But maybe because i already experienced a lot since I'm a mom of 2 going to 3 already, parang mas unti unti akong nagiging wais sa mga gnagamit ko sa anak ko. Kaya ngayon, i just want to share kung ano yung mga gnagamit ko sa anak ko. Mostly mga common brands. Mura pero my kalidad nman. So far, same lng nman epekto sa anak ko. Compare sa mga mamahaling brands.. Like sabon, johnson lng gamit ko sa mga anak ko. Johnson bath, pati pulbo. Pag my diaper rash, its either tap clean water ang pinanglilinis ko or kung worse, betadine na. And after that petroleum jelly na para di na umulit. Sa milk nman, halos parepreho nman kasing pumupromote ng nutrients eh. Pero walang tatalo sa breastfeed. But since working mom ako, i mixed it with bonna (sa 1st ko) at s-26 (sa 2nd). And kung wala lng ako sa bahay nagpapadede sa bote. So far di naman namimili yung katawan ng mga anak ko. Hiyang naman sila. When it comes to diapers, i used pampers and eq. Kung alin lng available. Sa feeding bottle pati panglinis, kung ano lng yung common brands sa grocery like farlin, bebeta, and others. As long as bpa free at hindi fake. When my kids reached 6 months, upon introducing solid foods, i used to mash potatoes, kalabasa, sayote, carrots and the like.and fruits too. Minsan nakalagay sa fruit pacifier, minsan sinusubo ko sa kanila. Gustong gusto nman nila. Kaya lumaki mga anak ko na hndi mapili sa gulay though hndi sila pareho ng ktawan (mas chubby si eldest kesa ky 2nd) but thanks God, bihira po sila magkasakit. Just sharing my practical hacks as a mom. Pra rin sa ikagagaan ng pamumuhay. Ang mahalaga, healthy kinakain ng buong pmilya. Walang nagkakasakit khit hndi mapera. Sana po makatulong. 😉

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

agree! :) hiyangan naman din talaga and hindi porket hindo mahal hindi na maganda. nakakaexcite lang talaga pag first time parang ang saya mamili tas ending di nagagamit 😅