Duda, tama o mali
Share lang po ako ng nangyayari sakin now. Hindi ko alam kung tama o mali na dapat magduda ako sa kaLIP ko. Nagsimula ito nung thurs, March 4. Umalis siya, sabi niya may lakad daw sila ng HS friends niya. Nung mga time na yon tinetext ko siya pero sobrang hindi siya masyado nagrereply. Tinanong ko kung sinong kasama niya, sinabi niyang kasama niya si tawagin na lang natin sa pangalang M. Iba yung pakiramdam ko nung gabi na yon kaya naman makalipas ang ilang araw sinubukan kong ichat si M kung kasama niya nung gabing yon si LIP. Sabi niya hindi daw. Nagalit ako sa LIP ko dahil nagsisinungaling siya sakin. Pero pinalampas ko na lang. Sabi pa niya eh baka niloloko lang daw ako ni M. Anong point ni M para lokohin ako dba? Isang beses naman nasa work siya. Kilala ko yung isang kasama niya sa trabaho. Anong oras na hindi pa umuuwi si LIP, tinanong ko yung kawork niya na kilala ko kung tapos na ba sila sa ginagawa nila. 4pm pa lang daw nakauwi na siya ng bahay pero 9:30pm hindi pa nakakauwi si LIP. Sinubukan ko siyang tawagan. Sinagot naman niya. Tinanong ko kung nasan siya ang sabi niya nasa skyway. Pero base sa pagkakarinig ko sa boses niya parang nasa CR siya o kulob na kwarto. Mamaya na daw kami mag usap at nagdadrive siya. Tinawagan ko ulit siya ng tinawagan pero cannot be reached na pati sa messenger. Nung gabi din na yon nag away kami. Inagaw ko ang phone niya pero wala akong nakitang kahit na ano. Sinuyo niya ako ng sinuyo. Hanggang sa naging ok din kami. Pero lagi ko chinecheck phone niya baka magaling lang siyang magtago. Pero wala talaga akong nakikita. Lagi niyang tinatanggi mga binibintang ko. Sinasabi niya na sana may nakita na akong proweba kung talagang may babae siya. Pero ramdam ko talagang meron. Tama ba tong pagdududa ko? O napapraning lang ako. Btw, may 2 kaming anak at almost 10 yrs na kaming nagsasama. #advicepls #pleasehelp
mommalicious ;D