CREEPY OLD MAN

Share lang mga mamsh.. May matandang lalake kase dito kapit bahay namin pero medyo magkalayo so twing bibili ako sa tindahan sa baba namin, nakikita ko sya. Lagi din sya nanga nga musta twing nagkakasalubong kami. One time, bumili ako ng kape nung gabi. Naka long jacket ako nun. Tas nung pauwi na ko kinapa nya ung jacket ko tas sabi nya " Ano binili mo??" Sabay pasok ng kamay nya sa bulsa ng jacket ko. Edi gulat ako, nilabas ko ung kape sa kabilang bulsa ko tas sabi ko "eto po kape lang po" sabay tawa kala ko nakikipgbiruan lang. Pagkauwi ko, nagtanggal n ko ng jacket at kinuha sukli sa bulsa ko gulat ako may buong pera sa jacket ko.. Un pala nilagay nya edi dali akong lumabas pero wala na sya doon.. Balak ko sanang iwan ung pera sa gate kaso baka may kumuha kaya tinabi ko muna.. Netong tanghali lang bumili ulit ako sa tindahan. Ni ready ko na ung pera para kung sakali na makita ko maibalik ko. Sakto nung pauwi na ko, lumabas sya ng bahay. Aabot ko na sana ung pera pero nakita ko may hawak na naman syang pera. Jusko naisip ko parang iba na to.. Di ko na inabot ung pera at tumakbo nalang ako sa bahay sabay tinawagan ko asawa ko at kinwento.. Grabe, parang natatakot na kong lumabas ng bahay.. Di ko alam bat ganon na bigla nalang magbibigay ng pera.. 8 months preggy na me... ๐Ÿ˜ฅ

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

maganda kausapin nyo mag asawa yung matanda para malaman ang reason kung bakit. mahirap mag assume. baka mabait lang at walang mapaglagyan ng pera. hehe