may 2 little Angel

share ko nga pla momshie tong mga baby ko ..first baby ko po to pero ngayon buntis ako for 4 months....i think kasalanan ng on ko to kc nung nagpatcheck up ako 5 monyhs tiyan ko nag bleeding ako tas sumasakit puson ..sabi lng ng ob ko bedrest lng daw tapos walang kahit pampakapit na binigay sa akin wala siyang binigay na kahit ano.. 6months noong nakunan ako. mga 8pm sa gabi sumasakit balakang ko at puson ko hanggang umga ng 9 am maslalong pong sumasakit.. hbn naman ako nagwoworied kc lagi naman sumasakit puson ko at balakang ko kaya pinabayaan ko muna kc wala pang lumalabas na dugo sa akin.. tapos mga 10 am natatae na ako pumunta ako sa cr tapos matagal ako dun ayaw talaga lumabas ng tae ko kaya pumasok na akong ng bshay bigla nlng may lumabas sa akin na madaming white mens tapos umiyak ako ng umiyak kc sobrang sakit na ng tiyan.puson. at balakang ko tapos parang gusto kong umire hnd ko alam ginagawa ko noon kc dalawa lng kami ng asawa ko sa bahay.. tapos tumawag yung asawa ko ng ambulansya tapos yung ambulansya naman sobrang tagal ..tapos may bigla nlng may lumabas sa akin sabi nila panubigan daw yun kaya lumabas yung isang baby ko tapos mag 11am wala pa yung ambulansya dumating siya ng mga 11:43 pinunta muna ako sa clinic at paghiga ko dun lumabas na yung isang pang baby ko ..nagulat kami ng asawa ko kc hnd namin alam na kambal pla baby namin humihinga plang yung mga baby namin nung itinakbo kami sa hospital pero pagdating namin sa hospital sabi ng doctor wala na daw baby namin.. sobrang sakit kc narinig ko pa yung iyak nila nung nilabas ko silang dalawa..

177 Replies

VIP Member

Nakakalungkot what happened to you and to your babies mommy.😭 Isipin nalang natin nasa mabuti na silang kalagayan. My condolences.😔 Praying for you sis. ❤️🙏🏻

Condolence po. Isa pa nga lang mawala sobrang sakit na pano pa kaya kung dalawa sila. Sobrang nakakapanghina na parang gusto mo na lang din siguro mamatay. :(

Nakakadurog ng puso na makita silang wala ng buhay... Bka hnde sila para sa inyo... Kasama na sila ni Papa God sa itaas gagabayan nila kayo.. 💔😭

Ang sakit naman mamsh... condolence sa inyong mag asawa :( Ano daw po sabi ng doctor bakit daw po nangyari yun? Nakakaawa,dalawa pa man din sila 😢

Same tayu going 6 months nku nun ng nakunan, sa cr , bglang lumabas nalang ci baby..that was last dec..and now im having a baby inside my womb..

Condolence po sa inyo... Wawa nman sila d na nagkaroon ng chance na makita nila mommy at daddy nila... Angel nyo na po sila ngayon.. 💔😭

Condolence po. Naiiyak talaga ako kapag may nakikita akong post na ganito dito. Pakatatag po kayo mommy. May plano po ang Diyos para sa inyo.

Nagkulang yung OB mo ate. Pwede mo silang ereklamo. Nanahimik ka lang. Ayan tuloy. Kawawa ang mga babies mo. Wala ka manlang nagawa. 😪

Nanisi ka pa bwisit imbis na icomfort mo kasi nawalan.

VIP Member

Kawawa nmn po cla kaya sa susunod maging aware po tau sa sakit na nararamdaman natin ..condelence po😔🙏🏻

VIP Member

Condolence po. Mas maigi tlga momsh magpaultrasound kahit mga 3 months pra sure. Maselan tlga kapag kambal.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles