βœ•

😍39weeks (TEAM JULY)😍

Share Ko lang Side ko Bilang FIRST TIME MOM. At dahil FTM , tas COBID pa, Hirap kami ng partner ko maghanap ngayon ng CLINIC, LYING IN or HOSPITAL na pagpanganganakan ko, Pag LYING IN raw kasi or CLINIC lang , Di po nila tinatanggap dahil FIRST BABY raw po, Sa HOSPITALS naman Puro may mga Pasyente ng COBID, Tatanggapin lang raw nila pag Actual ng manganganak na talaga , Kahit habol ko pa lang ngayon eh , Magpacheck up sa OBGYNE para malaman ko kung ilang 'cm' na po ako at Kung mabibigyan na po nila ako ng advice kung kailangan ko na magtake ng pampalambot ng kwelyo. Actually naghanap kami kanina Ultimo pag sakay sa Tricycle limitado , So .. ayun Imbis na Kasabay ko Asawa ko sa Patutunguhan, Naglakad tuloy siya, Wala na kasi kami ganu Ka-budget .. Wala parin kasi mapasukang trabaho ang asawa ko gawa ng COBID. Kaya todo tipid , 9am pa naman yun , sobra ng init .. naawa tuloy ako sa mister ko, Naglakad lang kasi siya. INABANGAN KO siya sa Kanto, malayo pa lang , kita ko na NGITI niya, Yung parang wala lang sakanya yung Nilakad niyang yon 😁 Napangiti rin ako , Hindi lang yan mga bagay na Nagagawa niya para sakin na ikakatuwa ko, Maraming bagay pa , Gaya ng Bine-baby niya ko sa loob ng 2Yrs na pagsasama namin, now lang niya ako nabuntis , Then mas Lalo pa niya ko Bine-baby ngayon gawa ng Buntis na nga ko hehehe πŸ˜… Mag Away man kami, di siya Mapride, Kahit ako may mali , siya nalang nagsosorry para sakin πŸ˜πŸ˜… MASAYA ako dahil siya Ama ng Dinadala ko, at makakasama ko sa pagtupad ng Pangarap ko, Di man kami mayaman, Kung magtutulungan lang , Sureness Aasenso rin kami 😊 At SKL ka Close ko nga rin pala Biyenan ko, Mabait at Kalog din Mama niya kaya Magkasundo kami.. Kaya Promise ko talaga sa Sarili ko.. Aalagaan ko Asawa ko Kasabay ng Baby namin 😊 TALAGANG BABAWI ako sa mister ko. πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡ Wish ko lang malaman niya kung ganu ako ka PROUD maging parte ng Pamilya niya 😍

2 Replies

VIP Member

Same here. Im so thankful na binigyan ako ni Lord ng mabait , mapagpa sensya and responsableng partner. By the way goodluck to your journey sis and have a safe delivery😊

Thanks sis. Same to you😊

Nice! Very rare akong makabasa ng gan'to post. β™₯️ God will definitely bless your relationship more since you have a cheerful heart. 😁

Thank you po 😊😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles