Pa Vent out lang mga mommies

Share ko lang po.. Kasi kanina habang nag bbreastfeed ako kay LO dumating si MIL tapos sabi nya ang tagal na daw naka latch ni lo tama na daw dahil busog na at buhuhatin muna nya, sabi ko gutom pa si LO kasi titigil naman sya pag satisfied na sya pero nag insist padin si MIL na bubuhatin nya at dahil ayaw ko naman sabhin na di ko ipahawak si baby, so ending binigay ko sa kanya at ayun na nga... nag wala si LO to the point na umiiyak na sya ng wala ng sound at nawindang kami pareho tapos binalik nya sakin habang nagwawala sabay alis na.๐ŸคฆNainis talaga ko pero di naman ako makapagsalita sa kanya plus ang dami pa nyang pinapagawa na mga sabi sabi ng matatanda daw na against ako pero pnagpipilitan nya. Sino same case ko dito mga mommies? Pano nyo hinahandle. #1stimemom #advicepls #firstbaby #theasianparentph

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

deadma na lang. madame ka pang bagay na mas dapat intindihin kesa istressin ang sarili mo sa mga ganyan.