SHARING is CARING!

Share ko lang po yung nangyari sa balat ko. Nagkaroon po ako ng Shingles or Herpes Zoster. Eto po yung reactivation ng virus na nag cacause ng chicken pox. Kapag nagka chicken pox po tayo, yung virus, hindi daw yan umaalis sa ating katawan at mag rere activate ito pag bumaba immune system. Prone ang mga buntis at kakapanganak lang. In my case, 2 months palang akong nanganak. Pure breastfeed. Nakakahawa ito through direct contact sa infected part. Unlike sa chickenpox na airborne. Pwede mahawa kahit sino. Kaya ang advise ng pedia, e formula ko muna si lo for 2 weeks. And isolate myself which is hindi mangyayari dahil dalawa lang kami ni hubby at pag umiiyak si lo, hindi tumatahan hanggat di ako ang humehele. Kaya nilalagyan ko nalang sya ng mittens at nagdadamut ako na ng cover lahat upper body part ko.At ang skin disease na ito ay one sided umaataki. Sa akin lahat sa right side.

SHARING is CARING!
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi,mas maganda kung magpacheck up ka sa dermatologist.Ang partner ko nagkashingles din,sinamantala ng virus yung paghina ng immune system nya.Buti di pa ganun kakalat ang rashes.Mabilis kasi kumalat pag di naagapan.Niresetahan sya aciclovir(antiviral )tapos diclofenac for the pain.Yung aciclovir,1wk nya tinake,5x a day para mapigil pagkalat ng virus.Ang shingles,one side of the body lang kaso yung nerves ang inaatake.I know na napakapainful nyan at makati.Nilalagyan din namin calamine lotion yung rashes para di makamot incase mangati at mapabilis ang pagkatuyo.2wks sya nakaleave that time sa work.Until now me konting pain pa din pero di na masyado.Pakatatag ka lang,pacheck up.Mas mainam kumunsulta ka din sa pedia regarding sa gagawin mo sa baby.

Magbasa pa
6y ago

Very itchy at makirot na mahapdi na ewan. Mas malala yung sa kanya kasi malalaki ang spot ng shingles