SHARING is CARING!
Share ko lang po yung nangyari sa balat ko. Nagkaroon po ako ng Shingles or Herpes Zoster. Eto po yung reactivation ng virus na nag cacause ng chicken pox. Kapag nagka chicken pox po tayo, yung virus, hindi daw yan umaalis sa ating katawan at mag rere activate ito pag bumaba immune system. Prone ang mga buntis at kakapanganak lang. In my case, 2 months palang akong nanganak. Pure breastfeed. Nakakahawa ito through direct contact sa infected part. Unlike sa chickenpox na airborne. Pwede mahawa kahit sino. Kaya ang advise ng pedia, e formula ko muna si lo for 2 weeks. And isolate myself which is hindi mangyayari dahil dalawa lang kami ni hubby at pag umiiyak si lo, hindi tumatahan hanggat di ako ang humehele. Kaya nilalagyan ko nalang sya ng mittens at nagdadamut ako na ng cover lahat upper body part ko.At ang skin disease na ito ay one sided umaataki. Sa akin lahat sa right side.
Hannah Luisa's Supermom❤️