Iniwan ako nang nakabuntis sa akin 😒

Share ko lang po sobrang lungkot ko ngayon at grabi iyak ko kasi nakipag hiwalay na ang ama nang binubuntis ko dahil may nakilalang iba 😒 at hiningan ko nang sustento sinabihan lang akong maghintay lang daw kailan sya mag bibigay. Wasak na wasak ako ngayon at sobrang stress. 😒 advice mga mi ano dapat ko gawin 😒#1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby P.S : Yang yung image na hinahangad ko na hindi ko na kailanman ma fefeel hanggang manganak nako 😒😒😒

Iniwan ako nang nakabuntis sa akin 😒
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

isang mahigpit na yakap para sayo mommy.. gaya ng madalas kong sabihin sa mga babae na humihingi ng advice, " ang babae, malakas at matapang. Napapagod, iiyak.. magpapahinga lang pero di susuko. Walang problema ang hindi kakayanin para sa kapakanan ng anak.." just look at the bright side, i know masakit at mahirap, but its better na lumabas na ang tunay na kulay ni boy, kaysa mas lalo kang maging miserable. First, pray hard. hingi ka ng dagdag strength kay God. Second, Focus ka sa sa baby mo. Gawin mong healthy ang lifestyle mo at kinakain mo. always remember, lahat ng ginagawa mo ngayon ay makakaapekto kay baby. third, say sorry and ask help from your parents or family. Sabi ng tatay ko, nung nagpaalam akong mag aasawa nako, " bakit ka pa magpapaalam sakin?mayor de edad kana, malaki ka na, alam mo na ang tama at mali. Hindi naman ako ang tatabi sa pagtulog ng mapapangasawa mo. At kapag nagkaproblema ka sa huli, bumalik ka lang sa amin, dahil obligasyon ng magulang na tulungan ang anak." very touch ako kay tatay. At first, maaaring may marinig kang hindi maganda na masasabi sayo ang magulang mo, its normal, but eventually, kapag nakita nila pursigido ka para sa baby mo, wala kang ibang lalapitan at tutulong sayo kundi magulang mo rin. Gawin mo busy ang self mo.. magpalakas ka muna, ng katawan at loob. lets say 2 years from now, magbalik alindog program ka.. tignan natin kung sino magsisisi sa huli.. malas lang ni boy, pinakawalan ka nya.. Cheer up, celebrate.. Your free now from stupid man. (ps. kasuhan mo kung di magbigay ng sustento)

Magbasa pa
3y ago

Ano po pwedi e kaso? di po kami kasal eh at di rin kami LIP kasi bawal pa sa part namin kasi 3ryr college palang kami ngayon. 😒

Hi momsh, been there! Nung nalaman ko buntis ako, di na kme okay at pinagpalit na ko. Sa una lang yan mahirap, may times na nalulungkot pa din at nainggit sa mga iba na supportive ang partner nila sa pag bubuntis. Pero iiyak mo lang then tuloy lang ang buhay. Gawin ntn inspirasyon si baby, di rin tayo bibigyan pagsubok ni Lord if di natin kakayanin. Manalig lang tayo, surrender everything to Him. At sa tatay ng anak mo, hayaan mo na sya. Lagi mo iisipin pano nakakaya ng lalake na nakabuntis sya iwan nalang ganun, ganun sya kasamang tao? Mas madali tanggapin at wag na umasa pa, pero as time goes by pag okay na lahat piliin pa din ng magpatawad di para sakanila, kung hindi para sa atin. Para makapag move forward na tayo. 30 weeks preggy here, and still fighting! :) always remember this too shall pass. And now excited na ko sa baby ko. Kakayanin yan mommy! Pray always. :)

Magbasa pa
3y ago

Salamat po mi. Gumaan pakiramdam ko kahit iyak parin ako nang iyak ngayon pinagpalit lang nya nang isang saglit pinagsamahan namin okay pa kami nun 1st tri ko 😒😒 pero kakayanin ko para sa baby, si baby nalang ang aking inspirasyon. πŸ’–

Be strong mi, ganyan din sitwasyon ko before 17 years ago, naging dalagang ina ako sa una kong anak dahil hindi pinanindigan ng tatay ng anak ko pinagbubuntis ko. Super depress ako to the point na naisipan ko ipalaglag (that was the worst solution na naisip ko) pero hindi hinayaan ni Lord na mawala anak ko. Malakas kapit ni baby that time kasi hindi sya sumuko . That time nareliazed ko na bakit ako na may isip na ay madaling sumuko sa problema, eto syang fetus palang pero hindi sya nagpatalo sa problema. Nagbukas ang isip ko na bakit ako magpapaka depress sa lalaking walang paninindigan, kinaya kong palakihin ang anak ko ng mag isa. Ngayon may pamilya na ako at kasama ko pa din ang unang anak ko at sya ang kakampi ko sa lahat ng pagsubok. Gagabayan ka ni Lord basta manalig ka lang sa Kanya na aayusin nya buhay mo sa tamang oras Nya. Prayers ang kakampi mi.. kakayanin lahat basta kay Lord ka manalig.

Magbasa pa
3y ago

Pasensya kung matanong ko po Kumusta napo anak nyo? di ba sya binalikan or sinuportahan nang papa nya po? sana makayanan ko rin. Slowly moving forward napo ako ngayon, salamat marami sa inyo mga mi. 😍

Mommy, consider that as a blessing. From my experience, pinakasalan ako ng nakabuntis saken. Sa una masaya pa kami pero ngayon sobra akong nagsisisi kung bakit nagpakasal ako. How I wish hindi nalang nya ako pinanindigan kung sasaktan lang pala nya ako emotionally, physically and mentally. Ang point ko lang talaga ay mas mabuti nang matapos nang maaga kesa mas mahirapan ka sa huli. Kung iniwan ka nya, hayaan mo na sya. Kaya mo yan.

Magbasa pa
2y ago

Same us mommy, ako din kasal and loko -loko din mas gugustuhin ko pa panahon na yan ng innerpeace kesa buo kami iniiputan ako sa sarili kong ulo.. laban lang mommy!! Iiyak mo lang pero wag sobra kasi si baby po ang 1st prio

You need to be strong and brave. Be strong and fight it, Mommy. πŸ₯° Pag Nanay ka na, gagawin mo lahat para sa anak mo. Kahit mahirap, tuloy ka lang. Blessing si baby. Mamaya si baby pa ang magpabago ng buhay mo. Kaya yung ex-jowa mo? Hayaan mo na yun, kesa naman forever kang kunsimido sakanya dahil sa pambababae. Kung ano gnawa nya sayo, gagawin din sakanya nung babae. Tignan mo, hintay ka lang.

Magbasa pa
3y ago

Maraming salamat mi 😒 naibsan yung lungkot ko, Oo si baby nalang ang ginawa kung inspirasyon ngayon, at hindi² nya makikita ang anak nya pag naisilang ko na bahala na sya 😒

Laban lang po mhie paglumabas si baby mo pagsisihan ng ex partner mo yung ginawa nya sayo... sa ngayon isipin mo na lang muna yung kalusugan Nyo dalawa ni baby sa una lang yan masakit lilipas ang panahon mawawala din ang sakit lalo na paglumabas si baby... Tandaan mo bilog ang mundo may karma sa mga taong walang paninindigan...Big hugs to you sis.

Magbasa pa

Ang Hirap ng gnyan peru laban lng po ☺️. Ganyan den ako kht hangang ngsyon lumalaban ako palage sa anak ko mgpray ka lng po lakasan mo loob mo gwen mong inspiration ung anak mo at ung ginawa sau ng lalaking un my karma den un .wagmu sayangin ung ganun klaseng tao .πŸ’•πŸ’•πŸ’• hugss πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•

3y ago

Salamat po 😍 nakakagaan nang pakiramdam nang may nagdadamay sayo. Unti unti ko na rin siyang kinakalimutan. 😒

I feel you naranasan ko rin yan sobrang hirap araw araw naiisip mo lalo sa sitwasyon na kailangan na kailangan mo ng partner saka sa mawawala pray lang malalampasan mo yan if you want legal help im here to help you kong ayaw mag support ng partner obligahin sa legal na pamamaraan kong gusto mo

same mi, pero ang katuwang ko ngayon mga parents ko, tinutulungan nila ako kahit hiniwalayan ako ng ama ng baby ko, kaya laban lang para Kay baby, KAY BABY NALANG NATIN IBUHOS YUNG PAGMAMAHAL NATIN, DI KA PO NAG IISA, MARAMI PO TAYONG SINGLE MOM DITOπŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

3y ago

Salamat mi 😍😊 kakayin ko para sa baby. Di nyo ba sya binigyan nang karapatan sa baby nyo? kasi gusto nya mag sustento pag nag aral na daw si baby pero sinabihan ko syang makapal mukha kasi tsaka pa mag bibigay pag malaki na bata ayaw ko na sya bigyan nang karapatan sa bata.

May mga lalake talaga na walang bayag at pasarap lang ang gusto. Kailangan mo maging matapang at madiskarte para sa anak mo sis. Kalimutan mo na ex mo makakahanap din yun ng katapat nya. Ingatan mo sarili mo para healthy ang baby mo. God bless you! Laban lang!

3y ago

Wala po talaga syang bayag, sinabihan lang ako na susustento lang sya pag aral na daw si baby, kapal nang mukha, okay lang kaya kung hindi ko sya bibigyan nang karapatan sa bata? Kakayanin kung buhayin si baby nang mag isa. 😊