share
Share ko lang po nangyari kagabi. Mga around 4 am umiyak yung anak ko, pagkatingin ko sa higaan niya wala siya, pagkatingin ko sa likudan ko sa tabi ng mister ko andun siya nakadapa na nakataas yung bandang pwet at umiyak. Agad ko siyang kinuha at chineck kung may sugat siya. Inobserbahan ko siya kung sumasakit ba yung batok niya dahil nasubsob yung mukha niya. Wala naman akong maalala na binuhat ko siya at di rin binuhat ng mister ko dahil masarao ang tulog niya. Natatakot ako, pero ang iniisip ko na lang is siguro nakaligtaan ko na lang dahil sa antok ko. 1 month old palang anak ko, di ako mapakali dun sa nangyari kagabi. :(( Nagagalit ako sa sarili ko :((