Finally!

Share ko lang nangyareng bangungot samin ng anak ko. 6AM humilab tyan ko. May lumabas na water at dugo. So dali dali kami nagpunta ng Hospital. 7AM na nung nakarating kami. (General Emilio Aguinaldo Hospital) sa may Trece Cavite. Pagdating dun, pinastay kami sa Lobby. 3 kaming manganganak. Pagdating namin sa ER, pinaghintay kami kasi WALA DAW RECORD. (Kaya kami walang record kasi this month lang sinabe samin ng Lying In na bawal na manganak pag panganay) so sige, naintindihan namin. Naghintay kami. Kahit sobra na ang hilab ng tyan ko. 10AM sinabe sakin na nakatae na si baby sa loob ng tummy ko. At di na nila ako tatanggapin dahil wala daw silang nursery. So nagpanic ako. Wala kaming sasakyan or anything. 12NN na nung pinalabas nila kami. Dahil pinagtest nanaman nila ako and shit. After nun, naghanap nalang kami ambulance at nagikot sa buong Hospital. Still, di nanaman kami tinanggap dahil WALA DAW RECORD AT WALANG OB-GYNE ung iba at WALANG ROOM. Siguro mga 5 Hospitals na ang pinagdalhan sakin at sobrang pilipit na ko sa sakit. 3PM na nung nakahanap kami ng matinong Hospital na finally, tumanggap samin. Di na namin inisip kung magkano aabutin ang mahalaga mailabas lang namin baby ko. Dun lang nila sinabe na emergency CS na ko dahil nga nakatae na si baby at delikado na lagay namin. Oras nalang ang binibilang sa buhay nya. Buti nalang naagapan kaming mag ina. Nung nailabas na sya. Naibsan na lahat ng sama ng loob at hirap ko sa lahat. Thankyou lord at di niyo kami pinabayaan. - Joaquinn Elio R. Alban Sept 6, 2019 5:46pm Via emergency cs.

Finally!
177 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po. Grabe naman po yung mga ospital na yun di nila inisip kalagayan nyo lalo na si baby. Buti na lang talaga at lumaban si baby. Godbless po sa inyo ni baby mo. God is Good😊👼😇

Congrats momshie at safe kayo ni baby. Grabe naman ang mga hospital na pinuntahan nyo na di kayo tinanggap dapat alam nila na life or death ang sitwasyon nyo sana considered nalang nila.

totoo pala na bawal na first born sa lying in.nako sobrang hirap ng dinanas mo mommy.pero andyan na,si baby mo atleast worth it lahat ng hirap at sakit. Congrats po and godbless you

Thank God at walang masama ngyari sainyo ng baby nyo'pag ka nga nman ginipit ka ng sitwasyon😩 congrats momshie atlast nairaos mo n ang pnganganak mo,at nging ligtas kaung mag'ina

Tang inang mga hospital yan! Kung aku nyan irereklamo ko talaga yan! Slamat nalang sa diyos at safe kayung dalawa. D ako mkapaniwala na my mga ganyan pala talagang hospital. Tsk.

5y ago

Ireklamo na yan kay tulfo!! Alam naman kase nila na emergency na tas d nila tatanggapin.

grabe naman mga hospital na yan. lalo na yung una, lam na pala nilang nakapoops si baby sa loob and delicades na, pinaalis pa rin kayo. good thing safe na kayo ni baby ❤️

i feel u momshie, naexperience ko din matanggihan ng 5 hospital, travel from laguna to manila ng madaling araw.. thanks God at ok kaung 2 ni baby mo.. congrats😀😀

VIP Member

congrats mamsh. ganun talaga yata protocol nila yung dapat may record sa hospital kaya ang ginagawa ko meron ako sa lying in meron din ako sa hospital in case kailangan.

Grabe nmn yung mga ospital na naunang d kyo tinanggap.dapat dyan sa mga yan.idemanda.bawal kya ang tumanggi sa pasyente lalo pat mnganganak.

Hi mommy! Sign up and get a chance to win 50,000 to make your mama wish come true! https://www.woopworld.ph/l-gvuhbwze?inviter=258114&lang= . Z