If I were you, drop everything at bumalik ka sainyo kasama ang tatlo mong anak. Mas okay na nandun ka sa parents mo habang nag aalaga ng mga anak mo tutal sinusuportahan ka din nila financially.
Hindi worth it magstay sa ganyang klase ng relasyon. Simula't sapul, alam ng current partner mo na may anak ka kaya dapat handa siya panindigan yun, package deal kayo kumbaga. Hindi ka nila pwede papiliin dahil anak mo yung mga yun.
Hindi rin totoo na porke broken family eh maapektuhan ang bata. Gaya nga ng sabi mo, na isa sa mga reason mo kaya ka nagstay is tinatry mo na makumpleto pamilya mo which is di mo nagawa sa una pero trust me, mas maapektuhan ang paglaki ng bata kung nakikita niya na magulo at hindi healthy ang environment niya.
You cannot unlove a person, but you should always know your limits. Dapat alam mo kung ano yung sobra na. Dapat alam mo kung ano yung makakasakit sayo at sa mga anak mo. Kapakanan nilang tatlo ang isipin mo. Kayang kaya mo kumawala diyan. Di mo kailangan sayangin panahon, oras at pagmamahal mo sa ganyang klaseng lalaki.
Nicole Javier