Panaginip
Share ko lang mga moms 19weeks & 4days pregnant po ako, lage po ako nanaginip na nakunan daw ako π₯Ίππ kanina nagising nalang ako sa sarili ko na umiiyak ππ’ ano po ibig sabihin non mga mommy? 1st baby ko po to ayaw ko po na may mangyari na masama sa baby ko natatakot po ako sa mga panaginip ko mga mommy. π’π

Tingin ko momsh halos lahat tayong pregnant with our first child ang kinatatakot natin ay may mangyaring masama sa baby natin. And I believe valid naman 'yung fear natin, especially first time natin magbuntis kumbaga we don't know what to expect and sunod lang tayo sa agos. Ako minsan may negative thoughts rin ako, and minsan hanggang sa panaginip sinusundan ako ng fears ko for my baby -- na baka may defect siya, baka ma-cord coil (masakal ng umbilical cord), na baka manganak ako ng wala sa oras (preterm labor/birth) at kung ano ano pang bad thoughts. Usually kasi kung ano ang iniisip natin, 'yun ang nagma-manifest sa dreams natin. Kapag ganon ang thoughts ko nagpe-pray lang ako at kinakausap ko si Baby sa tiyan ko. 'Wag kang papatalo sa bad thoughts mo sis, masama 'yan kapag nagdevelop 'yan into paranoia (napa-praning). Just pray and believe in the power of God, in the power of your own body and the strength of your baby inside. Tiwala lang, momsh π
Magbasa pa


