Sobrang worth it ang pain.

September 30, 2020 ang due date ko but still no sign of labor. Sobra na ko naprepressure kahit anong IE sakin close cervix and paunti na ng paunti ang panubigan ko dahil sa pag mamature ni baby or what (nakalimutan ko na yung sinabing term ni doc) September 28, 2020 check up ko sa OB at sinabi ko na lang na ics ako pag ayaw pa talaga kasi sobrang hirap na kumilos puro paninigas lang and nauubusan na si baby ng panubigan. September 28, 2020 11am tinawagan ko na asawa ko para pumunta na sa ospital dahil nasa work pa. 1pm inadmit na ko shempre nilakasan ko loob ko para kay baby and sa family kong nag iintay. 1st time ko maconfine sa buong buhay ko kaya sa swero pa lang kinakabahan na ko pero hindi ko pinapakita sa fam and husband ko na hindi ako nahihirapan sa mga turok turok na sobrang sasakit 😣 nasa OR na kami at dumating na nga ang OB ko at anesthesiologist graveee yung turok sa likod ko ang sakit!! After ko turukan naramdaman ko na ang tama sa katawan ko at unti unti akong nawalan ng malay. 1:28pm andyan na si babyyy sobrang hinang hina ako luha ako ng luha ng di ko alam kung bakit, but thank god healthy kami pareho at wala samin naiwan sa ospital 🙏🏻 Sobrang sakit maCS ang hirap kumilos parang buong katawan mo binugbog lahat masakit, mapapaiyak ka talaga sa pain sobrang awang awa na asawa ko sakin 1st time nya makita akong ganun kaya napabiro na lang kami na last na to kahit 1st time mom pa lang ako pero balak talaga namin hanggang tatlong anak 😂 Kahit ganun sobrang sarap sa feeling ng makita mo baby mo na healthy. Thank you god dininig mo lahat ng dasal ko 😭❤️ Nakaraos na ko mga mommy! To all mommy’s out there stay strong, stay safe and stay positive! God bless us all 🙏🏻❤️ #theasianparentph #1stimemom

Sobrang worth it ang pain.
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats, mamsh! Paano mo na-overcome? Takot din ako sa mga turok turok huhu. First time ko rin macoconfine if ever 😭

same tayo momsh..buong buhay ko di ako na confine at di ako naturukan ng swero.. congrats mommy!!

same experience here...yun lahat ng First Time Naranasan ...pero sulit naman may Baby na...

Congrats mommy, Ako din gusto ko n mag p cs.. 40weeks nku ngaun pero no sign of labor..

congrats po ❤️37weeks e C's na din ako dhil nasundan kaagad Ang lo ko.

Oct 7 edd ko, still no signs of labor😞 ayoko ma cs huhu pls help

Super Mum

Congratulations mommy! Ang importante safe na kayo ni baby 😊

VIP Member

Congratulations momsh. ♥️

Congratulations mami😍

Hello. Congrats ulit 😻❤️

4y ago

Thank you iya 😊