Share ko lang.

September 1, 2019 nanganak ako ? 4:30 am . Ang sakit ng tyan ko nagising ako. Sakit na parang napasukan ng lamig ang tyan, Kuha ko si mancinilla tapos lagay ko sa tyan ko (Konti lang) kala ko kase talaga hangin lang hahaha. Tapos mga mag 6:00 am gora na kami ni asawa para maglakad, Malayo layo din ang lakad, Habang naglalakad nakirot pa din, Sabe ko kay asawa "Natatae talaga ko, Pero wala namang nalabas e" Diko alam na naglalabor na pala ko nun ? tapoa yun na nga nakauwe na kami, Inom pako fresh buko juice takaw ko pa, kumain pako spaghetti, Tapos diko na kaya nakatambay pako sa labas nun e, Pasok nako sa kwarto, Humiga ako kase ang sakit na , Kada 8-10 minutes na yung pag hilab nya. Tapos sabe sakin patingin nako, Diko alam kung pano kase sarado sa clinic ng ob ko kase sunday, Sa ospital naman baka magastusan lang, Tapos no choice punta na kaming birthing home, Inay-E ako aba 4cm na daw. Nakakagulat tapos saka palang may dugong lumabas sakin, Natakot ako sa dugo sa gloves ni ateng midwife sabe nya need ko na magpa admit, so yun nga pa admit nako, deretsyo na kaming hospital, Pag pasok ko ng Delivery room, Waiting daw ng 1hour kase 4cm palang daw, I-CCS daw ako pag di tumaas cm ko, Ee tuloy tuloy na ang sakit kada 2-3minutes na talaga yung interval, Pag IE sakin 7cm na daw agad dipa naputok panubigan ko, Kaya sila na ang nagpaputok. Hanep nung pumutok na panubigan sobra na ang sakit, Iyak nako, Palahaw nako, Pero need ko mag focus grabe kala ko diko kakayanin, Dipa ko marunong umire, Yung isang nurse hawak hawak ko, Napagkurit ko pa, Dyusko kakatarant ang sakit diko alam kung san babaling ulo ko sa sakit, Pinagpawisan ako kahit ang lamig lamig sa DR. Grabe pero ayan lumabas na ❤ Ang galing. Eto na ? Sobrang sakit pero worth it ? Tips: Lakad lakad wag tamad. Manuod ng prenatal exercise sa yt. Pineapple juice is the best. Primerose must take. Squat frend. Laba-laba. MAKELOVE WITH YOUR HUSBAND ❤ Lahat to effective sakin kaya ganung kadali lang ako nanganak. Sa pag ire lang talaga ko nahirapan ? Alessia Reigh S. Catapat September 1, 2019 12:45pm 3.2kg via Normal Delivery ❤

Share ko lang.
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats momsh.. ang cute ni baby.

5y ago

Truth hahaha.

Congrats po.