2784 Replies
yung pag naggigisa saka mga prito na kahit ano basta prito ayoko ng amoy...lalo na yung mga torta sobrang sakit sa ilong at sikmura...pati sa ulo..pati amoy ng sinaing mabaho din..🤮...hanggang 4mos ½ ko naranasan yung ganyan kahirap na paglilihi..
Naalala ko nun may binili akong pabango sa mercury drug kinuha ko sya kasi ang bango bango. Pero di pa nagkakalahati inayawan ko kasi nahihilo at nasusuka ako sa amoy nya. Haha hanggang ngayon diko na ginagamit
mga ginigisang onions at garlic, pinipritong isda, mga tuyong isda, corned beef at iba pang ulam. Ayoko rin nakakaamoy sigarilyo at alak. Ito ang madalas na dahilan ng aking pagkahilo, pagsakit ng ulo at pagsusuka.
amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. 🤮 kakapagtaka kasi super gusto ko tlga ng amoy nun. pero nung nagbuntis ako sa eldest ko, grabe. kahit magpunta ako sa canteen at makaamoy ako nun, tatakbo ako pabalik sa office sa sobrang liyi at magvomit talaga ako.
Bagoong, hipon, sarsyadong isda basta seafoods. Naiirita ako pag nakakaamoy ako ng ganun kaya nag stop e business ko sa bagoong kasi ayoko nung amoy😂 kung ano yung gusto ko nung hndi pa ko buntis dati yan pa yung kinaayawan ko nung nagbuntis ako😂
Haha ako ayoko makaamoy ng mabaho literal na mabaho tulad ng taong amoy kulob ska bawang maski hininga ko ayoko maamoy lalo na pag naghalo halo ung kinain ko nag stay sya sa bibig ko matik na magsusuka talaga ako 😂😂
Ganto pla mabuntis noh? 😅 hehehe yung mga dating nababanguhan ko ngayon nababahuan na ako😅 ginising bawang or sibuyas pritong isda pansit canton tuyo alcohol pati manok at bear brand gatas ayoko na rin ng amoy at lasa, nasusuka ko na lng 😌
ginisang bawang yan panaman paborito ko nung hindi paako nabubuntis mahilig ako sa bawang tapos manok nakakasuka katulad sa naunang nagcomment kahit anong luto payan nandidiri ako ,tinatakpan ko lage ilong ko para hindi ko maamoy yung amoy nila huhu
amoy ng sabon na surf powder at head&shoulder na green,ayaw q din maamoy ung toothpaste kaya pag nag totoothbrush aq after nasusuka ako sa amoy. haha. amoy ng nilutong pusit, pag nakikita q ang pusit kahit d q pa naamoy na duduwal na agad ako
anything na piniprito..kaya kapag may nagpiprito sa bahay, nagkukulong muna ako sa kwarto 😂 at isa pa nakakapagduwal sa akin ay yung amoy ng sinaing 😂