Hello mga mi..Sino same po dito yung LO ko po kasi 26 months old na

He can say siguro more or less 100 words but not the typical toddler na ka age niya na marunong na talaga makipagkwentuhan ganun..Ang pinaka kaya nya na sabihin na gusto niya ay kapag hihingi siya ng dede at water..Tapos kapag may ayaw kapag tinanong iiling siya o sasabhn niya No o ayaw..Ganun po one word,one word..Alam ko naman po na late talker lang siya,kasi wala naman pong problema sa eye contact,or ibang bagay..Napipressure lang kasi ako minsan kasi laging tinatanong nagsasalita na siya??Kasi yung pinsan po niya na mag 3 na magaling na po makipag usap at englishera kaya laging kinukumpara,girl po pinsan niya,boy po si LO ko..Thank you po sa sasagot..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If mahaba po ang screen time ni baby nyo possible iyon ang cause dahil baka iba ibang language ang naririnig nya kaya di sya makapag buo ng mahabang sentence. Mas okay po try nyo sya ilimit and kausapin nyo po ng kausapin mag tanong kayo if ano nararamdaman nya ano mga gusto nya. Pahabain nyo po yung conversation nyo sakanya para masanay sya sa pag construct ng mga words.

Magbasa pa