Paano po mabuntis at ano po pwedeng itake ni mr. At ako

Sana po may sumagot Trying to conceive kami 6 yrs live in πŸ™πŸ˜ž

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May pcos po ako last year diagnosed lang, then nag take ako ng supplement na may gluta para glow lang, then may na basa ako na mag take ng folic acid at vitamin E para healthy lang po sa ating uterus, di ako nag expect makabuo agad sa bf kung 3 months πŸ˜… (29yrsold po ako huh) kasi nga may pcos di ako nag contraceptive, kasi galing naman ako sa 6yrs relationship wala naman nabuo. 1 month na ako umiinom ng folic, tapus nung July (Catholic po) may 2thousand Hail Mary's prayer sa aming bahay, pwde kang mag petition ng prayers, hiling ko " ma heal na yung pcos at magka baby". Yung Mama Mary natulog sa amin ng 1 month tapus yung bf ko bumibili ng flowers para sa altar. After 1 month pagka August nabuntis na pala ako nung September namin nalaman. Blessing talaga, "not our will but His will" . Thank you God talaga. So ayun, sinabi ko rin sa auntie ko na mag folic, sila dalawa ng husband niya nag tatake ngayon. Binili nila sa Watson Puritan brand ng folic acid. P.S po, dapat healthy then tayo inside.

Magbasa pa

number one na dapat nyong iwasan ay ang stress. Yan ang madalas sinasabi ng mga Ob noon na malaking factor sa infertility ng isang babae. At bisyo naman sa mga lalaki. At advise din ng Ob na kung trying to get pregnant ka ay dapat at least three months ay umiinom Ka na ng prenatal vitamins like Obimin Plus at healthy foods like avocado na pagkain ng bahay-bata. in that way, makakatulong yan sa pagbuo. pray of course. Ito ay based lang sa experienced ko at advise sa akin ng isang Ob noon.

Magbasa pa

Consistent Prayer direct kay God, pag gagawa kayo need dapat relax kayo at hindi stress, monthly check up kay OB para mabigyan ka ng Fertility Pills o madiagnosed kung may immuno deficiency ka or mabigyan ka ng vitamins para nakakatulong sau para mas madali magbuntis. 4 yrs na kaming kasal ngayong mag 4 na taon, ngayon lang kami binigyan ni God ng anak and soon lapit na siya lumabas sa February. Manifesting a healthy and happy baby boy

Magbasa pa

check up need niyo kung mtagal n pla kyong nagttry. kasi pwedeng di sayo ang problema na kay MR. ipapalaboratory nila ung sperm nun lalaki kung walang makitang problema sa matres mo. ganun ksi un ginawa samin. bukod dun niresetahan kami ng vitamins na need itake at dpt hndi stress saka nainom ng alak. nainom rin ako folic acid 3 months bago kmi nagbalak na magpregnant. and umepek naman 27 weeks na po akong preggy ☺️

Magbasa pa

paalaga po sa OB. first visit irerequest po kayo ng labs (CBC, ogtt, thyroid, HIV, spermanalysis, ultrasounds etc) at physical check up infections like sa cervix etc. Pagbalik po dala nyo na results dun na kayo magstart kung may need gamutin plus iuundergo na kayo ng 3month cycle ng letrozole. maghanda lang po financially hindi basta2 gastos Pag work up.

Magbasa pa

check up ka mhie after non maconfirm na OK kapo si Mr naman... eto Po mga magandang supplements sainyong dalawa pero need nio Muna mag pa check up baka.kasi may high blood sainyo cut down rice Po kung maaari iwasan Ang sugary foods , COQ10, folic, gluta, vitamine E, fish oil macca ,zinc and vitamin C

Magbasa pa

dasal lang po samin ng mister q.. 8years and half kami tsaka lang kami nabiyayaan, kakapanganak kolang nung nov.26.. wala kaming ginawa or tinake basta dasal lang hanggang sa nawalan na kami ng pag asa bgla nman kaming nabiyayaan, my perfect time talaga na plano ang diyos kaya trush him nalang po....

Magbasa pa
VIP Member

Pa alaga sa OB tsaka take mga needed la laboratories minsan kasi di nakaka buo kasi di pala compatible genes ninyo or minsan may underlying conditions isa sa inyo po. Pray lang po and iwas stress.

kapag po di makabuo ..much better pa consult po kayo pareho para malaman kung sino ang my prob .saka kayo bbgyan ng ob ng mga gamot na pwedeng inumin

mag pa ob ka mii. try mo din pahilot. baka mababa ang matres mo. saka kumain ka ng masusustansyang gulay at prutas. Mag diet at exercise ka din mii