need advice pls

Sana po may mkapansin buntis po ako at hindi po ako pinanagutan ng ama ng anak ko nkikitira lng po ako sa tiyahin ko oky naman sya tntulungan at sinasamahan nya ako sa mga checkup ko pero nabasa ko po sa cp nya na iknkwento nya ako sa iba naming kamaganak na keso ang tamad ko dw sa bahay eh nagawa naman po ako ako nghuhugas plato linis bahay walis labas at ako ngluluto minsan,naiinis dw sya saken kase pag may kailangan lng dw ako magaling dati dw nung may work ako at maayos ako ay hindi ko sya naalala pero hindi naman po gnun tpus sbi niya pa po sa kausap nya na ang libog ko dw kase ngpabuntis dw ako hindi dw ako pinanagutan yun dw ang napapala ko at pgkapanganak ko dw sbi nya na hindi dw nya aalagaan tpus wala dw bayad lugi lng dw sya syempre hindi naman po ako mgpapaalaga ng walang bayad sa una hbang hindi pku nasahod hindi pa po ako mkkbigay pero kaya nga po ako mgwowork para sa anak ko nkakasama lng po ng loob sa knya ako nakatira ngyun pero gnun pla ang tingin nya saken walang wala lng po akong mapunthan sa ngyun kaya hindi ako makaalis nkakaiyak mga nanay?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tiis lang sis, ako hindi rin pinanagutan ng boyfriend ko. Hindi na rin ako nakakauwi sa bahay namin dahil sobrang nagalit saakin ang papa ko. Malayo ang work place ko sa bahay namin kaya nakatira lang ako sa boarding house. Alam ko palagi rin ako pinag uusapan at pinaplastic ng mga katabraho ko, pero di ko na yon pinapansin sobrang sakit kapag isipin ko pa mga pinagsasabi nila saakin. Hindi naman natin kasalanan na may mga lalake palang hindi kayang harapin consequences ng mga pinanggagawa nila. Kapatid ko lang kasama ko sa boarding house minsan wala akong kasama kapag umuuwi kapatid ko sa bahay namin kapag walang pasok. Mag isa lang din ako nag papacheck up pero okay lang, iniisip ko kasi kailangan ko mag isa para maging malakas at matatag ako para sa anak ko. Laban lang sis, hindi naman bulag si God e. Di man tayo ipinaglaban ng iba, si God ilalaban niya tayo. God Bless You sis

Magbasa pa
Related Articles