Magkano po kaya magagastos pag Cs ang panganganak? Or may paraan po ba para makaLess sa gastos?
San po pwede lumapit para makaless sa gastos ang Cs moms

if CS ka talaga ask your OB mommy kung saan siya affiliated na hospitals.. at kung magkano total package ng bawat hospitals.. kasi dun yan magkakatalo sa presyo ng hospital e bukod pa sa PF ng Doctors.. at syempre mas makakamura ka mi o baka wala ka pa bayaran kung sa Public hospitals.. makakaless ka kung gagamitin mo Philhealth mo.. at kung may benefits ka sa SSS o di kaya kung may HMO ka.. sa Private hospitals kasi depende ang presyo mostly 100k above yan lalo na pandemic pa rin ngayon may mga health protocols kaya mas malaki bill ngayon mi. Nung nanganak ako last year February total bill ko 120k provincial private hospital yan.. iba pa naging bill ng baby ko dahil na NICU pa for 1week halos umabot kami 250k total...
Magbasa pa