40weeks & 3days worried ๐Ÿ˜Ÿ

May same case po ba dito na hindi pa rin nanganganak worried na rin ba kayo katulad ko ?? Yung tipong lahat na nagawa niyo na inom ng pineapple juice , walking, laba, linis, take primeroseoil pati pag insert sa pempem wala parin , No labor parin ๐Ÿ˜ข #advicepls

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Punta po kayo sa ob nyo mommy ako po kasi nun 40 weeks and 1 day hihilab sya sa maghapon sa gabi mawawala din kahit lahat ginawa kona kaya nagpunta ako sa Ob ko at ini ultrasound nya po ako nakita po na may 1 cord coil po sya kaya ayaw magtuloy ng hilab pero okay nadaw ang cervix ko nun nakabuka na at malambot na ginawa po ni ob pinasakan nya ng 2 evening primrose tapos pinag take po nya ako tapos lakad lakad dapat manganak ako ng feb 6 pero lumagpas sinabihan nya po ako na dapat manganak nako hanggang feb 12 kung feb 12 wala padin I induce na nya ako sa awa ng diyos feb 11 ng madaling araw biglang humilab ng matindi ang tummy ko at nagtuloy tuloy na sya yun ngalang medyo nahirapan po ako pero nainormal ko naman po sya 3.2kg po ang baby boy ko sana makaraos nadin kayo mga mommies God bless you all always po ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

wag mona paabutin ng ilang araw kung no sign of labor ka maigi pumunta kana sa ob tanungin mo bt di kapa nag labor ganyan din ako lahat na gnawa ko wala padin umabit na 40 weeks and 4 days wala padin nerefer nko ng ob ko close cervix padin ako, 36 weeks na ie nko gang pang 40 and 4 dys 1 cm lang tlga nagpa cs na ako dahil baka nakapopo na si bb at nakapopo na nga sya hours nalang makakain na nya popo kaya thnks God paglabas nya green na green buong kqtwan amniotic fluid ko puro tae na at konte nalang pati kaya buti naagapan pa. kaya sa mga no sign of lbor dyan buhay po pinag uusapan wagna manghinayang o patumpik pa dhil ako nanghinayang din ako noon guato ko norml lang kaso ayw bumuka tlga inisip ko anak ko kaya matik cs tlga...

Magbasa pa
3y ago

may didcharge poba na lumabas sainyo nung 40 weeks and 4 days napo kayo?ako kasi due kona po bukas may lumalabas sakin na discharge brownish na medyo pink

Post reply image

41 weeks and 2 days ako sis. No labor pain din ako. simula 37 weeks hanggang sa araw na ngadecide na akong magpa CS ay 1cm pa rin ako. tumagal ng ganito kasi umaasa ako na manormal ko sana. Natakot din ako sa maaaring infections o puwedeng mangyari katulad ng baka tumae si baby at makain niya ito. Kaya nagpa emergency CS na ako at totoo nga nakatae na si baby sa loob pero laking pasalamat sa Panginoon at hindi niya ito nakain, aside from nakatae siya nakita din na na cordloop siya. Sabi ko sa sarili ko kung sana alam ko na CS din patutunguhan sana mas maaga pero nagpapasalamat pa rin ako kasi healthy kaming dalawa ni baby. :)

Magbasa pa

ako momshie 41 weeks and 3 days lumabas si baby ko,,nag worry din ako,,pero lalabas at lalabas si baby.. bsta monitor mo lng ang paggalaw nya..and better every week balik kay OB mo,, pra maresetahan ka ng pampalambot ng Cervix,, lakad2 ka at kausapin si baby ,,

yung nakasabay ko po manganak sa lying inn lagpas due date na pero no signs of labor pa din...nagpaadmit na siya then binigyan siya ng gamot yung nilalagay sa pwerta.. then after 2 hrs naglabor na siya diretso din bumuka ang cervix niya tas umanak na din...

same din sa akin momskie. worried na noon family ko kasi over due date na ako 1 week tas closed parin cervix ko.pumunta kmi sa ob ko at nilagyan ako ng balloon para mag open ang cervix ko.kinaumagahan nag labor na ako.

ganyan dn aq sis worried nah aq kc 40 weeks 6days narin aq pero wala pa rin aqong nararamdaman na sign nah maglalabor na aq ginawa kona dn lahat pero hanggang ngaun dipa aq nanganganak..... #advice nman poh pls.....

3y ago

39 weeks and 6 days napo ako today due kona bukas mild cramping and paninigas ng tiyan lang nararamdam ko and yung discgarge ko ganyan lang watery texture inie ako ng ob ko nung tyesday sabi 3cm pa admit nadaw ako pero nung inie ako sa hospital 1cm palang daw nag ssquats and walking naman ako ano pa magandang gawin para mabilis ma induce labor?

Post reply image

Opo ako din 40weeks 3days na po ngayun hangang ngayun diparin pa po nanganganak dami ko narin ginawa linis bahay lahat lahat pati paglalakad pero wala parin po๐Ÿ˜”

3y ago

same 40 weeks po kabuwanan ko na now at sa lying-in ako ngapapacheck up duedate ko bukas pero wla parin nararamdaman sabe lng sakin lalagpas daw Ng 1week pag first baby any tips po ..๐Ÿ™๐Ÿคฐ๐Ÿ˜“ginawa ko n din laht Yan ๐Ÿฅบ?

ako talga nagworry ako dahel umabot sa 41 weeks and more days bago ako nanganak.. pero nanganak naman ako ng healthy na baby girl..

exercise ka to activate Labor, search ka sa Youtube. then Pineapple Juice po. squat palagi para bumaba pa si Baby.