40weeks & 3days worried 😟

May same case po ba dito na hindi pa rin nanganganak worried na rin ba kayo katulad ko ?? Yung tipong lahat na nagawa niyo na inom ng pineapple juice , walking, laba, linis, take primeroseoil pati pag insert sa pempem wala parin , No labor parin 😢 #advicepls

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

41 weeks and 2 days ako sis. No labor pain din ako. simula 37 weeks hanggang sa araw na ngadecide na akong magpa CS ay 1cm pa rin ako. tumagal ng ganito kasi umaasa ako na manormal ko sana. Natakot din ako sa maaaring infections o puwedeng mangyari katulad ng baka tumae si baby at makain niya ito. Kaya nagpa emergency CS na ako at totoo nga nakatae na si baby sa loob pero laking pasalamat sa Panginoon at hindi niya ito nakain, aside from nakatae siya nakita din na na cordloop siya. Sabi ko sa sarili ko kung sana alam ko na CS din patutunguhan sana mas maaga pero nagpapasalamat pa rin ako kasi healthy kaming dalawa ni baby. :)

Magbasa pa