Trying to conceive

Sakit lang sa puso 😭 bakit ganun mailap samin ang tadhana gusto gustong na namin magkababy pero hanggang ngayon wala pa. Ginagawa din namin lahat pero hindi makabuo. Stress na ako, dumadating na ako sa point na natatakot. Nagpt ako may medyo faint kaso kinaumagahan nagspot ako halos dalawang buwan na akong delayed pero nun 3rd day ko sa spotting may lumabas na clots. Mga momshie please advise naman po kung pano madaling magbuntis 😭 sobrang down na down ako, lagi akong nagpra2y pinapalakas ko lang loob ko dahil sa pananampalataya pero dumadating sa ganito na sitwasyon na nanghihina ka din tulad po ngayon 😭😭😭#pleasehelp #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ok lang yan mommy wag kapo mawalan Ng pag asa ako nga po unexpected baby po dumating sa Amin . last 2years Ng na ooperahan ako Ng ectopic pregnancy. at boing Akala namin is 50/50 na talaga if mag second baby ulit kami Kasi pwedi syang mag ectopic ulit pero di Ako/kami nawalan Ng pag asa. talagang dasal lang kung ibibigay sayu .ibibigay yan ni god sayu.

Magbasa pa
Related Articles