Trying to conceive
Sakit lang sa puso 😭 bakit ganun mailap samin ang tadhana gusto gustong na namin magkababy pero hanggang ngayon wala pa. Ginagawa din namin lahat pero hindi makabuo. Stress na ako, dumadating na ako sa point na natatakot. Nagpt ako may medyo faint kaso kinaumagahan nagspot ako halos dalawang buwan na akong delayed pero nun 3rd day ko sa spotting may lumabas na clots. Mga momshie please advise naman po kung pano madaling magbuntis 😭 sobrang down na down ako, lagi akong nagpra2y pinapalakas ko lang loob ko dahil sa pananampalataya pero dumadating sa ganito na sitwasyon na nanghihina ka din tulad po ngayon 😭😭😭#pleasehelp #advicepls

mommy it's okay to feel that way. kasi ganyan din po ako noon. nakunan po ako sa una kong pagbubuntis. it took us another year pf trying and praying bago kami nabigyan ng chance ulit. nagtry na po ba kayo magpaalaga sa OB? ganun po kasi ginawa namin magasawa. wag po kayo papressure. isa kasi yan sa stressors. try nyo din po magbakasyon ung kayong dalawa lang ni hubby. nakabuo po kami nung nacovid kami parehas. as in pahinga lang ginawa namin for 2 weeks. hugs to you mommy. pag dumating na po ung sa inyo, sobrang worth it kahit gaano pa kayo katagal na naghintay.
Magbasa pa