Trying to conceive
Sakit lang sa puso 😭 bakit ganun mailap samin ang tadhana gusto gustong na namin magkababy pero hanggang ngayon wala pa. Ginagawa din namin lahat pero hindi makabuo. Stress na ako, dumadating na ako sa point na natatakot. Nagpt ako may medyo faint kaso kinaumagahan nagspot ako halos dalawang buwan na akong delayed pero nun 3rd day ko sa spotting may lumabas na clots. Mga momshie please advise naman po kung pano madaling magbuntis 😭 sobrang down na down ako, lagi akong nagpra2y pinapalakas ko lang loob ko dahil sa pananampalataya pero dumadating sa ganito na sitwasyon na nanghihina ka din tulad po ngayon 😭😭😭#pleasehelp #advicepls

Mommy try niyo po mag take ng folic acid while conceiving kayo. Yan yung sabi ng ob ko pag gusto maka buo 4months before kayo mag plano dapat nag tatake kana. Quit ka muna sa smoking alcohol at mag exercise kayo healthy life style try niyo po yan. Wag din eh stress sarili natin wait lang tau sa tamang oras at panahon. Ibibigay sau yan ni Lord tiwala kalang at mag pray ka wag ka mawalan ng pag asa.
Magbasa pa