Sagot: Hindi epektibo kung hindi kumpleto! Bawat uri ng routine vaccine ay may inirerekomendang bilang ng doses na dapat makuha ni baby. Ito ang magbibigay ng sapat na antibodies sa kaniyang katawan na siyang bubuo ng panlaban niya sa sakit.
Kung may nakaligtaang schedule ng bakuna, kumonsulta na sa pinakamalapit na health center o barangay sa inyong lugar at alamin kung paano at kailan mababakunahan si baby. Ligtas, epektibo at libre ang routine vaccines na ibinibigay sa mga bata.
Iiwas na sa sakit si baby! Tandaan, bakuna pa rin ang pinakamabisang proteksyon ng mga bata laban sa mga nakamamatay na sakit. Kapag bakuna ay kumpleto, si baby protektado. ##1stimemom #TeamBakunanay #ImmunizationSchedule #immunization