I lost my baby maybe because dinig nya mga pagtatalo ng daddy niya bcoz of money.
Sad story of me na gusto kong ilabas. 😡 Baby bat mo ko iniwan? 3 months nalang sana anak..! Iniingatan kita, all pregnancy meds tinitake naman ni mommy.. buwanang checkup at ultrasound ginagawa ko para Ka check Ka..😭 Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari.. sa biglang pag Iwan sa akin ni baby. Ang lahat sinisisi ko sa husband ko na sanhi ng pagkawala ni baby..Mula ng mag 3 months ang tummy ko nagsimula ng umangal ang husband sa gastusin kesyu bat wala pa daw akong savings sa allotment na pinapadala Nya. Paano po ba, titipirin ko ba preg meds na pinapainom ni doc sa akin? Preg meds ko umaabot talaga ng 10k nakalista lahat yon Pati lahat kahit .25 cents and naka keep receipt para kong sakali hanapan ako May maipapakita. Halos wala na para sa akin, Oo May Katulong ako dito dahil mula ng Sumampa siya ako Lang mag isa at sobra ng Maselan at dinudugo alam nya yun. Nag resign ako sa work to focus my pregnancy. Kaya di ko Lang lubos maisip na kinikwenta Nya lahat Pati pang araw araw namin.. e dito din naman kumakain parents Nya.. buti panga sila May allotment, kasambahay may sweldo, ako wala ni piso... tapos kwekwentahin nya sakin? Ang sakit Lang, Nong Malaman nya gusto ko mag start order thru online ng essentials ni baby galit cya, dahil wala daw cyang pera, at na pakalaking gastusin.. kasalanan ko ba kong mas priority Nya relatives Nya para maka pag aral samantalang kami family Nya second option nalang pinaramdam sa Amin ni baby? Tapos ngayon, wala na baby ko... ngayon pa cya nagsisisi tapos na.. iniwan na kami ni baby. Ang Tagal namin inintay dumating si baby pero ganito nangyari.. Anak, narinig mo ba kami ng daddy sa tuwing nagtatalo kami dahil sa pera at gastusin kaya bumitaw Ka? I’m sorry baby ko..😢😢😢 patawarin mo kami... #advicepls #1stimemom