Kaya pa po ba i normal delivery?

Sabi nila malaki daw po tyan ko, 7months pregnant po ako. Nung dalaga po ako 63kg ako ngayon 80kg na. 5'6 po height ko. Paano po malalaman kung normal po weight ko? Thank you po#firstbaby #pregnancy #advicepls #theasianparentph

Kaya pa po ba i normal delivery?
16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sinasabi sakin ng OB ko every monthly check up kung normal ang weight ko. Gaya nalang nung last check up ko nung Sept. 14, 5 lbs lng dapat madagdag sa timbang ko in 5 weeks pero ang nangyare nadagdagan ako ng 6.6 lbs kaya advice nya sakin wag masyado sa rice at maintain healthy diet kc baka bigla din lumaki si baby at mahirapan ako i-normal sya. Thankfully normal naman daw size ni baby ko. I'm 29 weeks and 3 days today, FTM

Magbasa pa

pede kang magpa BPS UTZ para may estimate weight ung baby. 37 weeks nako, muka din malaki tyan ko pero pagkacheck sa utz 2.9 kg lang sya. though pls take note ang results sa utz might be less or more than the actual weight. also mommy, never think na di ka capable of giving birth, such thoughts will increase adrenaline sa hormones mo. happy and positive thoughts tayo para mas dumami ang oxytocin 🙂

Magbasa pa
Super Mum

According sa OB ko, ang ideal weight gain is 1 kg / month lang. And di po ibig sabihin na malaki ang tyan, is malaki na agad si baby. Minsan matubig lang po. Kung wala naman po kayong problema makakaya nyo pong inormal si baby.

Sa weight po yan ni baby binabase hindi sa weight nyo. Ako din malaki daw tyan ko parang twins nga daw ang laman pero normal weight naman si baby. Matubig kasi yung akin. So para makasigurado pa utz ka mommy

Kaya nyo po yan kahit tingin nila malaki tyan nyo Di Naman po purong baby Yan matubig po pag ganyan may baby din po sa Una at 4.0 po sya normal Naman po😊Kaya nyo rin Yan

Kayang kaya mo yan momsh inormal. First baby ko 3.5kg 18 yrs old ako nun payat tas tumba gang 75kg ata nung third trimester ko. Kinaya ko naman sa normal delivery.

Hindi naman porkit malaki ang gained weight mo mamsh ibig sabihin na e malaki na rin si baby. Ilang kilo na raw ba si baby based sa ultrasound?

Kaya mo yan mommy! Wala po sa laki ng chan yan. Meron sinasabi ang mama ko na matubig or purong bata ang laman ng chan. 😊

Sa pagkakaalam ko po 15 kilos lang ang maximum na healthy ang pwedeng madagdag sa timbang during pregnancy

Hindi po lhat ng mlaki ang tiyan ay mlaki ang baby.pwedeng matubig po.or tabain kn nung dkp pŕeggy