Two cuts in a row

Sabi nila kapag Nanay ka na lahat kaya mo na gawin. Nung una gusto ko na sumuko. Ayoko na kasi nga masasaktan nanaman ako. Pero inisip ko anak ko. Inisip ko paano na siya? Kawawa naman Ama niya kung iiwan ko sila. Pero mas kawawa anak ko. Masyado pa siyang bata para maranasan yung ganon. So yun nga, pinili ko maging matapang kahit feeling ko konti nalang kukunin na ako ng hukay. Magastos oo pero para sa anak ko okay lang kikitain pa namain yung pera hindi masasayang kasi nga gumaling ako. Masakit oo pero nung nakita ko siya pagkauwi ko ng bahay nawala lahat ng sakit at kirot. Totoong pantanggal ng stress ang mga baby. Sobrang saya ko nung nakita ko siya kahit 2days lang yun. Hay! Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon at hindi niya kami pinabayaan. Kaya mga Mommies laban lang tayo! Kayang-kaya natin yan! Si baby lang sapat na! Pawi lahat ng pagod, sakit, at lahat ng problema. Syempre wag kalimutan si God! God bless us all! ❤️ CS - May 4, 2020 Gallstone Removal - June 26, 2020

Two cuts in a row
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Good job sis ♡♡