39 weeks today!!!

Sabi nila baby knows best daw talaga kung kailan sila lalabas. FTM here and due ko is Sep 17 pero hindi talaga maiwasang mapraning kaka isip kailan siya lalabas. Masakit na puson ko at palagi ng naninigas tyan ko. Hindi na rin masyadong malikot si baby. Humihilab hilab tiyan ko pero nawawala din kaya di ko masabing labor na talaga yon. Tagtag naman ako sa gawaing bahay at hanggang ngayon nga eh naglalaba parin ako, mga mommies, anyone here malapit na sa due? Hehehehehwh

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same here 38 and 5 days no sign of labor pero madalas na din tumitigas at palagi na napupuyat Kaka ihi kahit onti lng maramdaman .. sept 20 dudate ko

hi mii, pareho po tyo ng due date, aa of now ung pgtigas2 palang ng tiyan ang nararamdaman ko. sana makaraos na tyo at kaexcite ng makita c baby😊

38 weeks and 5days . panay tigas lang ng tiyan at .minsan masakit pwerta lalo pag naglalakad. hirap din makatulog sa gabi.

Same po 39 and 2days , Sep 13 po edd ko pero until now no sign of labor. 😂 sobrang nakakapraning na.

magalaw pandin ba mga baby nyo? sakin kasi magalaw at masakit na sa puson kapag gumagalaw sya.

same mhie sep17 din, Panay sakit lang Ng pus on at balakang ko. God bless sa atin mhie

same , sept 18 edd sana makaraos na tayo ng ligtas, last i.e sakin 1cm nung wednesday lang

2y ago

buti mi di ka Pina aadmit, yung ob ko kasi once daw na magka cm na ako admit agad inaalala ko pano kung ilang araw pa bago lumabas tagal ko nka admit.. closed cervix pa naman

same here 38 weeks 6 days na edd sept19 still masakit lang pempem no sign of labor

2y ago

same tau ng nrarsmdamn mi

TapFluencer

Same mi. Around 17-19, kaso closed cervix pa sakin.😩

2y ago

5cm na ako kagabi mi, pero hindi pa humihilab tyan ko kaya pinauwi na muna kami. wait daw sa contractions or panubigan