Kung ikaw, pwede ka naman na maligo agad agad. Nung nanganak ako, siguro after ko mapa dede baby ko, dimiretso na ako sa banyo at naligo. Hindi naman ako sinita ng mga midwives. Ang uncomfy naman kasi sa feeling Mi, syempre bagong panganak ka, then hahawak hawakan mo na baby mo na walang ligo. Hindi ka naman mapapaano. Sa baby naman, ako nag wait ako at least a day na lang. or two? Punas punas lang ako ng damp towel sa kanya.
Immediately pwede na po. Ako dati sa hospital ay na-"very good" ng ob ko nung kinaumagahan pagkapanganak ko ay nakita nyang nakaligo na agad ako. Si baby naman, nakalagay mismo sa discharge form nya na "daily bath" dapat. Yung sa pamangkin ko naman ay mismong nurse sa hospital ang nagbigay at nagturo ng first bath nya. Good luck na lang po sa mil nyo 🥲🤷