Toddler for PAAMPON

Edit 2. Posted this 2 months ago. Stress, experiencing post-partum baby blues, and helpless. Hello mga mommies! Update po sakin after reading all of your words of encouragement and mga advices. May na contact na ko na kamag anak na mag aalaga sa baby ko while i'm currently working from home. 😊 Nakakatuwa kasi di ko akalain na malalagpasan ko yung mga araw na stress na stress ako dahil wala akong career at walang katulong mag alaga sa baby ko bukod kay hubby ay nabigyan ako ng pag-asa ni Lord, iba talaga nagagawa ng prayers at pag susumikap syempre at yung moment na nag labas ka ng sama ng loob mo sobrang naging malaking tulong sakin yun nabawasan yung bigat na nararamadaman ko. Kaya kung may mga saloobin kayo ilabas nyo lang yan sobrang helpful pala non. SALAMAT MGA MOMMIES SA LAHAT NF SUMUBAYBAY SA KWENTO AT DRAMA KO SA BUHAY, SANA KUNG ANO PA MAN MAPAG DAANAN ko ay malagpasan ko sa tulong ni Lord. At sana kayo rin. πŸ™ŒπŸ˜‡πŸ™ Edit: Hi, Mommies I read all your comments, advises and words of encouragement. Thank you po sa inyong lahat nakakatulong po kahit papano para ma uplift yung mood ko at kahit papano makapag isip-isip ng maayos. I admit na maling-mali na naisip kong ipaampon ang baby ko. Being a first time mom na walang emotional support mula sa pamilya ay napakahirap po pala, di ka makapag open up dahil baka i-judge ka kaya kinikimkim ko at eventually di ko kinakaya kaya na burn out ako at naisip ko yun kasi Mommies ayoko dumating sa point na sobrang galit ako at masaktan ang baby ko kaya yun ang naisip kong solusyon at sana patawarin nyo ako at ng baby ko sa mga naiisip ko sa kanya. Sa mga nag sasabi po na abnoy ako you will never understand me unless kayo ang nasa sitwasyon ko or kung sino pa mang Nanay ang dumadaan sa ganito. Now I am trying to reach out to my friends at humingi ng comfort and also trying to seek for professional help na rin para hindi po ito lumala at mauwi sa depression. Salamat mga Mommies, paulit ulit kong babasahin at unti-unting i-apply ang mga advise nyo sa akin hanggang malagpasan ko to. Hindi ko kayo maisa-isa pero sobrang thankful ako hindi nyo ako kilala pero iba po ang naibigay nyong impact sa buhay ko sa bawat salita na binibitawan niyo ay nakakapag pabago ng buhay ng tao. Salamat po sa inyo.. Saan po kaya pwede ipaampom ang anak ko legally? Tbh, hndi ko na sya kaya alagaan. 17 months old na sya. Wala pa naman problema sa ngayon financially sa kanya kasi maliit palang gastos pero sooner or later feeling ko di na kasya samin ang income lang ng mister ko. iba din ang mental breakdown na dulot sakin lalo na kapag nag tatantrums sya, yung ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa dahil kailangan naka bantay lang ako sa kanya. Parang gusto ko nalang magpakamatay.. Di ko na kaya Mommies, feeling ko di nya ko deserve as a mom. Total failure ako.. Wala akong mabibigay na magandang future sa kanya.. Kaka graduate lang at mag sisimula palang mag build ng career nung ma buntis though pinag usapan naman namin ni husband to. Kaso di ko pala kaya mag anak. Di ko kaya emotionally and mentally.. #1stimemom

Toddler for PAAMPON
37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, you can ask help for 4P people foundation sa muntinlupa. Technically, nag aalaga sila ng bata dun na di na kayang alagaan ng magulang due to financial difficulties pero ibabalik din nila sayo anak mo pag kaya mo na. Sa case mo, pwede mo syang ipaalaga since nag sstart ka pa lng ng career mo and pag ready ka na make sure na kuhain mo yung anak mo. You can visit din naman ang baby mo dun.

Magbasa pa

sis...i understand ur situation nmn...nasa post partum depression..kaya ganyan nraramdaman mo..better ask help sa mga mgulang or kapatid mo..wag paampon agad ang solution..baka dumating ang time na pag sisihan mo yan ..na hahanap hanapin mo ung anak mo na pag mamay ari na ng iba...pag dumadaan ka sa ganyan mag pray ka sis..iyakan mo c God gagaan pkiramdam mo promise...

Magbasa pa

anak mo kaya mo ipaampon?anong klase yan..naalagaan mo n ng 11/2years nakaya mo tpos ngaun saka ka susuko..wala nmn pla kau problema financially eh bkt hnd ka kumuha ng titingin sa knya habang nag wowork ka..swerte sa buhay yan mommy bka kpg pinaampon mo anak mo bka jan pa mgsimula ang kamalasan sa buhay nyo..anak mo yan kya dapat mo mahalin kc binigay yan ni Lord sau..

Magbasa pa
4y ago

Napaka tanga ng comment mo, kasing tanga mo

and also mga mommy kung walang magandang sasabihin better to shut your fucking mouth nakaka rindi mag basa ng mga insensitive comments nyo hindi nakakatulong if wala kayo alam sa Postpartum better be quiet nakaka hiya kayo instead of lifting up her mood di down nyo pa πŸ˜’ P.S lets report harsh and insensitive comments here para di makapa merwisyo

Magbasa pa

mga mommies nasa postpartum stage po sya kaya ganyan ang feelings nya .. she is depressed don't call her abnoy or judged her for what she is. kaya mo yan momsh, it's a part of giving birth as far as i know po 8years po ang postpartum stage πŸ˜”πŸ˜” and mahirap labanan mag isa, pray and be patient po mommy .. Godbless

Magbasa pa

Nagtantrums lang mental breakdown agad? isipin mo na lang mga nanay dito na nawalan ng anak, yung mga may problema sa anak dahil nay kapansanan? Ano sa tingin mo nararamdaman nila? O baka naman gusto mo makalaya sa responsibility kasi ikawbna din may sabi, magbuibuild ka pa sana ng career kaso nabuntis ka?

Magbasa pa
4y ago

Bago magcomment sa mga post, palaging may reminder na "Be king and respectful to fellow parents." Sana nababasa mo yon, momsh. 😊

Hi mommy! Pagpapaampon is not po the solution Momsh. Try to talk to a medical professional like psychiatrist po para matulungan ka po nya and mabigyan po kayo ng right advice. Stress po kayo lalo na magsstart ka palang ng career mo. Maybe postpartum depression po meron kayo. Seek help po.

Hi mommy its ok not to be ok..pagnafeel mo po na andyan na namn c depression inhale exhale you’ll get through this alam ko po dahil napagdaanan ko din. Enjoy the journey of parenthood mommy everyday po tau may struggle na haharapin so smile lang and pray lang po kakayanin natin to..Godbless

Naku! Postpartum depression yan. tantrums p lng ng anak, paampon n agad solusyun???? Wag ganun,nananahimik yan sa bayag ng ng asawa mo,kinulikot nyo... Pahinga mo utak mo,relax ka lng... Mukha ytang msyadong mababa ang pcnxa mo sa anak mo. Humingi ka ng gabay sa mga magulang nyo...

4y ago

Kung binasa niyo po ng maigi, at marunong po kayo mag read between the lines, hindi lang po dahil sa tantrums yan kaya nagkaka mental breakdown. Mukhang marami pong pinagdadaanan si Mommy emotionally and mentally at yung tantrums ng anak niya may be just the last straw. Tama po na humingi siya ng gabay pero sana hindi mo dinagdagan ng kung ano ano pa yung comments mo na hindi makakatulong kay Mommy.

cheer up momsh .. oo kapagod tlga mag alaga ng bata pero huwag niyo nman pong ipa ampon momsh .. dinala niyo yan ng 9 months blessing po yan ..ako maaga ding nabuntis pero hindi ko inisip na ipalaglag o ipa ampon ang bata