Hilot or Ultrasound

Sa Ultrasound ko po is Breech si Baby. Pero sabi nung hilot nasa baba naman daw ang ulo ni baby. Nakatago lang daw. At di sya nakaangat kasi never ko pdw napahilot. Ahmm sa taas ko ramdam ang mga galaw ni baby. Di ko lang alam kung anong part nya yon. Ulo ba or sipa.. nalito tuloy ako. What can u say po mga Mommy? P.S. Di talaga ko naniniwala sa hilot noon.. kaso pagpunta ko po sa Lying in na pag papa anakan ko, may ka partner pong hilot ung midwife at pinatingnan nya ko sa Hilot.. and nag advise ang Hilot na magpahilot po ako pag ka 9mos ko.. 30weeks preggy na po ako #advicepls #1stimemom #firstbaby #pregnancy

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku mommy di po nirerecommend ang hilot dahil po prone sa complications lalo na kapag nagkamali ang gumawa, pwedeng ma nuchal cord si baby or worse magrupture ang placenta. Kapag midwife po kasi ang kumapa, napagkakamalan na ulo ang puwet kaya mas accurate ang ultrasound. Meron po tinatawag na ECV (external Cephalic Version) pero OB lang ang gumagawa nun and hindi talaga sya usually pinapractice sa PH. 30w pa lang naman po, may chance pa umikot si baby, pwede naman mag walking nalang, ang gravity po ang naguurge kay baby na mag head down or exercises like pelvic tilt or forward leaning inversion, nood ka lang sa YT kung paano.

Magbasa pa

pag gising si baby.. pwede sa kwarto na madilim or dim light lang. tas itapat mo ung flashlight sa puson mo.. ayun. hanggat wala ka naman ginagawang iba at hanggat di kapa nangangalay. tuloy lang. gawin mo sya everytime may time ka.. pwede mo din iumpisa sa head ni baby tas pababa sa puson mo..

not recommended ang hilot po,it can cause complications.an ultrasound scan is much more accurate than only a palpation of a hilot,it can be risky to just believe it mommy.

ok na po mga Mamsh.. 35weeks na ko now. At naghead down na sya nung 33weeks ako.. flashlight at walking ang ginawa ko..

3y ago

pano po ba gagamitin ang flashlight?

accurate po ang ultrasound, iikot pa po yan, 34 weeks po ako nun nka breech sya pero pumwesto din po

Sayang naman bayad mo sa ultrasound kung di mo papaniwalaan. Accurate naman yon.

iikot pa naman yan momsh kung breech. maaga pa. and hilot is not advisable.

VIP Member

Kng okay naman na po okay na po un

Not advisable na magpa hilot po.