moms say

Sa ultra sound q..lalake..pero dami nag sasabi na babae..kz blooming daw aq..gumaganda..anu ba talga

182 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa opis, tuwing may makaksalubong ako lagi na lang sila 'babae yan blooming ka' o kaya 'ang ganda mo magbuntis, babae yan'. Halos araw ataw ganan na lang at araw araw din sagot ko naku boy po talaga sa utz. So one day, I was having a hard day dahil may prob sa work. Ofismate: ang ganda mo talaga ngayon, babae talaga yan. Me: So panget ako dati? May nakikita ka bang pempem sa mukha ko? JOooooooooke ahhaha (pero sa loob loob ko at sa isip ko sinasabunutan ko na sya haha) Anyways, 37 weeks na ko, boy talaga sabi ni utz so sa kanya ko mniniwala.

Magbasa pa

Lalaki din po ultrasound ko, may kasabayan akong buntis nagbago itsura baby boy kanya nung di pa nila alam na Baby boy din dinadala ko di pa ko nakpag ultrasound, dami nagsasabi Baby girl kasi blooming daw ako, ganda ng buhok ko bagsak saka shiny, di nagbabago itsura ko parang lumalaki lang tyan ko tapos pala ayos pa din ako at naliligo araw araw 😂 kaya di totoo yun

Magbasa pa

Sa ultrasound ka po maniwla sis ndi sa sabi2 kc dun na ki2ta kng ba2e or La2ki. .ako nga sbi nla na ngitim at prng na ma2ga ang ilong kya akla nla La2ki Pro dalawng beses ako nag pa ultrasound parehong girl ung lumabas na gender ng baby ko😊😊

Ako personally naiinis ako sa mga taong hula ng hula. Syempre pag nasa bahay di ako nag aayos-alam kong panget ako(sasabihin bang boy?) at pag lumalabas ako syempre nag-aayos ako, so maganda (sasabihin nilang girl kasi blooming) ??? 🤣🤣🤣

Ang pagiging blooming naman ng isang buntis ay depende kung pano nya alagaan ang sarili. Ibig sabihin lang nun d mo pa rin pinapabayaan sarili mo. Myth lang yung mga ganun na pag blooming babae🥰. Ultrasound pa rin ang pinaka accurate.

Kabligtaran po momhs, girl po ung akin pero ang dami humula na boy kc pumangit ako nung nagbubuntis maitim lahat at maga lahat as in haggard tlga, paliwanag din ni ob na depende kc sa hormones ang pagbabago ng ichura ng nagbubuntis👍👍

5y ago

Same tayo. Baby girl pero maitim leeg, kili kili, tadtad ng pimples. Yung ayoko nang makita sarili ko kasi feeling ko nuknukan ako ng kapangitan.

Nasayo naman kasi moms kung paano mo aalagaan talaga yung katawan mo😊 minsan di kanaman maselan magbuntis kaya blooming ka . Ganyan din po sinasabi sakin nung buntis ako pero lalaki sa ultrasound ko siympre yun po ang totoo.

Hahha aq gnyan din sabi nila lahat dto babae kasi nga d ngbabago face lalo daw gumanda 😊😊pero Nung ultrasound aq Boy lumabas.. Wala po yan sa itsura atih.. Hahaa Kung anu gender lumabas walang koneksyon sa mukha ntin po

O cya cya, blooming kana. Hehehe.. Sa tao ka maniwala my xray vision sila.( Kidding aside).. Kasi naman momsh, nakapag utz kana man na pala.. Common sense nalang po syempre. Congrats sa pagiging blooming. Hehehe

Wala po sa blooming o ano, ako hagard pero girl anak ko hahahhaha. maniwala ka sa ultrasound tih! pag pasalamat mo nlang na blooming ka kahit buntis ka hndi lahat bniyayaan ng ganyan kagandahan 😂😂