postpartum pwede ba mag occur even while pregnant?

Sa pag bubuntis ko even sa First baby ko, I experienced na parang biglang iiyak, biglang nalulungkot, biglang good mood naman sa maliliit na bagay. parang nagiging attention seeker may nakaka experience din ba ng ganto? tas may times na stress ang feeling na di mo maintindihan. may pwede ba gawin para maiwasan? or para matigil? kasi ang hirap for me and my partner. specially pag na uuwi sa pag aaway dahil sa kakatanong ko ng mga past events. minsan paulit ulit na daw ako na hindi ko naman sinasadya at napapansin. parang minsan naman feeling mo di ka kontento sa sagot niya tapos sobrang nagiging selosa kahit di ka naman ganun. basta bigla nalang nagihing ugali mo yung iniisip ng mga lalaki sating mga babae na ugali natin kahit fi naman lahat ganun. btw boy po first baby ko. di naman ako naging maselan sa kahit ano. ngayon lang biglang parang super selan na na hanggang 1st month ng 2nd trimester ko nasusuka suka pa din. di ko naramdaman sa first baby ko to kaya medyo hirap.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang ibig sabihin po ng “postpartum” ay after po ng panganganak or childbirth. To answer your question kung posible maranasan ang postpartum (depression) while pregnant, Hindi po, technically. Hormonal shifts po ang cause bakit nagiging moody and bakit po tayo nakakaexperience ng emotional ups and downs.

Magbasa pa

postpartum plus hormones po ng pagbubuntis yan mhie. normal lang naman po yan. ang di normal eh yung di tayo maintindihan ng mga asawa natin 😅 kung bakit tayo nagkakaganito. try nila manganak at mabuntis ng mafeel naman nila haha