pregnancy

Hi, sa mga young moms, pano kayo umamin sa parents nyo na preggy kayo? 18 weeks na si baby pero di ko pa rin alam pano uumpisahan. ? helppppp.

64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako 21years old, 15Weeks and 5days nko Preggy. 7Years naman narin kme ng Boyfriend ko at nag iistay narin ako sakanila. Bago ko sinabi sa parents ko na Preggy ako, sinabi ko muna sa dalawa kong sumunod na kapatid at sinabi ko sa Lola ko para may karamay ako sa pag sabi, dahil diko din agad kayang sabihin ng Direct sa Parents ko, then sabi ko sa Lola ko na kung pwede mag Lead ng Prayer muna bago sabihin. Tinipon ko muna Family ko sa kwarto, Nag Lead na ng Prayer Lola ko, pero sa totoo lang umiiyak nko nun, dahil ineexpect ko na masasabihan ako ng di maganda o masasaktan nila ako. Pag tapos ng Prayer Lola ko na nag sabi na lahat naman kme darating sa point na mag aasawa, magkakaroon ng sariling pamilya etc. Hanggang sa sinabi ng Lola ko na magkakaroon ng panibagong parte sa Family namen, tapos sinabi ko na nga na buntis ako. Unexpected na sabihan ako ng Papa ko ng Congrats Love, (Lovely) po nickname ko. Tapos niyakap ako, hindi ako nakarinig ng Bad comments sa Parents ko or sa mga tita, tito at mga kapatid ko nung sinabi ko yun. Dahil pati mga tito ko nandun nung sinabi ko na Preggy ako. Umiyak ako sakanila at nagpapasalamat. Mas maganda kase pag nagiging open ka sa Parents mo at sa buong Family mo, yung wala kang tiatago sakanila. Mas tatanggapin nila kung sayo manggagaling, keysa malaman nila sa ibang tao. 2Months nako preggy nung sinabi ko sakanila :) Simula nun, sila na dumadalaw sken dto sa bahay ng Boyfriend ko, Lola ko kasama ko minsan sa Check up pag walang pasok Boyfriend ko. Lahat ng Crave na pagkain Both side namen ng Bf ko binibigay nila saken. Godbless you Momsh! Kaya mo yan. God is with us. Blessings yan si baby :) wag ka matakot!

Magbasa pa

6 weeks na ako nung naconfirmed namin ng biyfriend kong buntis ako and we were not happy at first kasi pareho lang kaming nagsstart and kakagraduate. Pero after namin naconfirm na buntis ako through ultrasound, we have decided na amin agad sa parents ko (family niya kasi unang nakaalam kasi di niya rin alam gagawin niya that time). Buong-buo desisyon namin nun na sabihin kasi alam namin na kami ang mahihirapan pag di namin sinabi agad. Biruin mo everyday ko silang haharapin na alam kong may itinatago ako sa kanila at mag magpapacheck up ako ng patago. Kailangan natin yung nanay natin throughout our whole pregnancy period kasi sila mag gaguide sa atin at mag-aalaga especially wala namang alam si bf mo at di naman kayo lagi magkasama. Oo, magagalit sila sa umpisa, madidisappoint and magsasalita ng masasakit pero you just need to give them time kasi pag natanggap na nila super sarap sa feeling. sobrang supportive ng parents ko ngayon sa akin and super excited na sila. Si mama nga yung laging naghahanap ng mga gamit sa baby. sobrang naappreciate ko sila mama ngayon ng sobra sa pag aalaga nila ❤

Magbasa pa
VIP Member

after ko mag pt before at nagpositive, nagsabi ako non sa mother ko although may hinala na sya kasi alam nya kapag dinadatnan ako. sinabi ko sakanya na kami na lang magsasabi ng bf ko sa father ko after check up pero nanghingi ako ng tulong sakanya dahil kilala ko father ko. nung nagpacheck up na kami that day may hawak na kong ultrasound, tinext ko mother ko na pauwi na kami. Pagdating namin don sinabi na namin sa father ko syempre nagalit. pinapunta ng mother ko yung auntie saka uncle ng father ko and then sila kumausap sakanya. hindi kumikibo father ko in short galit pa din napagdisisyonan namin ng mothet at bf ko na uuwi muna ko sakanila hanggang sa lumamig ulo ng father ko. tapos sa side naman ng bf ko mama lang nya sasabihan naman since wala na syang papa. tulog na ko nung pinakita nya sa mama nya yung result ng ultrasound. sabi ni bf nagulat lang naman daw pero okay lang sa mama nya. dalawang araw lang ata ako non kila bf ng bigla tumawag mother ko sabi nya pinapauwi na daw ako ng father ko. so ayon heto giliw na giliw sya sa baby boy ko. 😁

Magbasa pa
5y ago

ilang taon ka sis kung nangyare yan

Nakakatawa dba? Pero yung totoo niyan yung nanay natin alam na niya. Hindi man tayo nagsasalita napapansin na nila yan nanay natin sila at dinaanan nanila yan eksperto na sila pag dating jan. Una mo kausapin si mommy tell her na ma may sasabhin ako, ma alam mo naba yung balita or lambingin mo sabhin mo yung takot mo saknya. But before yan dapat handa kayo sa mga consiquences na mangyayari simpre una di pa handa si mama lalo pero sila unang tatanggap at sila na unang magtatanggol satin lalo na sa mga kapatid nating lalaki na over protective si tatay, magtatampo lang yan pero araw lang okay nayan. Basta handa si boyfriend baka bigla hingin sainyo pakasal na kayo pero siympre make sure pag dating sa ganong bagay handa kayo. 😊

Magbasa pa
5y ago

Yan po talaga mga nanay natin ganyan din ako sa first born ko pero ang sabi niyalang sakin. Kung may sasabihin daw ako sabhin kona maiintindihan naman niya . Ang bait ng mga nanay natin at sila yung mgtatanggol satin😊 huwag lang kayo matakot. Sila din naman mgiging gabay natin paglabas ng mga baby natin😊

VIP Member

Yung youngest sister namin nabuntis while in college. Wala pa kaming asawa ng ate ko at that time. Una niyang sinabi sa ate ko nung 6 months siya. Tapos kinausap namin yung bf niya at mommy ng bf niya para alamin kung pananagutan kapatid ko, nangako naman sila. Una siyempre nagalit si ate pero di naman namin mapabayaan sister namin. Takot actually kmi for her na itakwil siya parents namin. So ang nangyari pumunta yung bf niya at mom niya sa bahay namin at dun nila sinabi sa parents ko. Siyempre di magawang magalit ng parents ko in front ng mommy ng bf. Yung papa ko nagsabi sa mama ko na tanggapin na lang kasi andiyan na yan kaya wala na rin nagawa si mama. Tapos yun pagkapanganak,pinag aagawan nila first apo.

Magbasa pa

Nagpabalik balik ako sa hospital nun. Laging walang OB, nagtanong na si nanay bakit pabalik balik ako sa hospital. Sabi ko hindi kasi nawawala ang sipon at ubo ko. Tapos nung nakapagpacheck up na ako na inschedule for ultrasound at confirmed na may buntis ako, paguwi ko ng bahay umiiyak ako at sinabi ko sa nanay at tatay ko. Sino daw tatay? Kasi alam nila wala ako bf pero meron, sobrang malihim ko lang talaga. Sinabi ko na. Kinuwento ko sa kanila lahat. Sinabi ko rin na wala na kami ng nakabuntis sa akin. Tinanggap naman nila ako. Naging mahinahon sila. Pinatahan nila ako baka daw kung ano pa mangyari sa amin ng baby ko.. 😊

Magbasa pa

Kami naman ng boyfriend ko, itinaon namin na may party dito sa bahay. Birthday ng panganay na pamangkin ko and binyag ng bunsong pamangkin. So ininvite nmin parents nya and after party nag start kami sa may sasabhin kami tapos sinabi ni boyfriend na buntis ako. Well syempre nagalit sila lalo na mami ko kasi nag 1 anak lang ako tapos sya lang ung bumuhay sa akin and tinanong nya si boyfriend kung willing syang panindigan ako or makikipag hiwalay nalng pero syempre di naman sila pumayag sa ganun lalo na ung parents nya. Kaya at the end of the day ok naman na kami lahat hehehe happy kasi mag kakaroon na ng baby hehehe

Magbasa pa

Ako po dinaan ko lang din po sa biro pero po non sinabihan ko po yung kapatid ko na mejo kasundo ko po and then sya po nagsabe kay mama and si mama naman sinabe nya kay papa sabe lang po nila wala na daw po silang magagawa nandito na daw tulungan nalang daw po nila ako ☺️ and then sa side naman po ng bf ko hindi padin alam gawa ng hindi po kaseng madaling sabihin sa parents nya natatakot pa sya mag 6months na po akong preggy mas excited pa po yung family ko kesa sakin 😅 yun nga lang sa side ng bf ko i dont know kung tatanggapin po nila agad 😫

Magbasa pa
VIP Member

12 weeks na tyan ko nung naamin ko sa parents ko na preggy ako. Ang ginawa ko ako lang yung nagsabe di ko na sinama si boyfie kasi alam ko pano magalit tatay ko. Ayun nasa kwarto si Mama at Daddy noon nung pumasok ako at iniiabot sa Mama ko yung resulta ng ultrasound. Syempre may masasakit na nasabi Daddy ko pero tinanggap ko kasi I know masama loob nya. Wala kaming pansinan ng Daddy ko sa bahay for 1 week. But after that okay na kami and now na 6 mos na tyan ko at alam na namin gender, naku po mukhang mqs excited pa sya sa panganganak ko.

Magbasa pa

Meh hindi ko sinabi hanggang nahalata nila, late narin kasi nung nalaman kong preggy ako, tapos 20 y/o palang ako, hanggang s kninonfront na nila ko mismo, yung feeling na nakakapanghina na kahit gusto mong magsalita di mo magawa kasi puro luha yung lalabas dahil yung tatay ng dinadala ko gustong ipa abort yung baby ko,. Akala ko di nila ko matatanggap pero mali yung akala ko , in fact naawa pa nga sila sakin ,. Sa una mahirap pero nung nalaman na nila worth it . Kasi mas maalagaan mo si baby ng maayos. At may mag ppayo sau. 😊

Magbasa pa